KABIT (c.j.l.__mhirejed)

791 1 0
                                    

Bakit nauso pa kabit sa mundo

'Yong tipong sisira sa pamilyang buo

Ipaglalaban kahit na makasakit

Ipipilit kahit alam na may sabit.

Sasabihing mahal kahit na bawal

Pipiliting sumugal kahit patiwakal.

Hindi daw sinadya

Nong mga mata'y magtama,

Pinilit daw pigilan

Ngunit di nakayanan.

Sa unang pagtatagpo

Nagkasundo daw ang mga puso

Sa unang pag-uusap

Mas malaki ang hinangad.

Nagkikita ng palihim

Tuwing magkasama winawaglit ang isipin.

Humihiram ng sandali

Upang ipagpatuloy  pagmamahal na mali.

Nakikiamot sa konteng pagmamahal.

Tinatapakan ang sariling dangal.

Dahil sa salitang mahal

Kinalimutan ang mga aral.

Di kalauna'y nalaman

Ang lihim na ugnayan,

Pinilit na pinaghiwalay

Ngunit mas pinili ang komplikadong buhay

Mas pinagana ang puso kesa isip

Sa konteng atensyon nakikisingit

Kahit iniiwasan na

Mag piniling maghabol pa.

Kahit mas pinili 'yong legal

Patuloy pa ring sumusugal

Sa sinasabing pagmamahal

Na sadyang bawal.

Kabit ang sa kanila'y tawag

Kapag umibig hindi duwag.

Kahit nakikihati lang

Pilit ipinagsisiksikan

Kahit walang karapatan

Ipinaglalaban ang nararamdaman.

Kahit pa nasasaktan

Wala ng pakialam.

Kabit kung tawagin

Ngunit may damdamin din

Kahit kinasusuklaman

Mas pinili ang maling kaligayahan

Kahit ipinagtutulakan

Mas pinili ang nararamdaman

Kahit pagkatao'y niyuyurakan

Mas pinili ang magbingi-bingihan

Sa pagmamahal na walang ibang dulot

Kundi labis na lungkot at poot.

------------------------------------------------------------------------------

#TheLegalWife

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon