AKIN KA NA LANG ULIT (c.j.l.__mhirejed)

156 1 0
                                    

'Di na ako magiging makulit

Basta't akin ka na lang ulit

'Di na kita guguluhin

Basta't sa'kin ka na ulit titingin.

'Di na 'ko magiging pasaway

Basta't bumalik ka na sa'kin buhay.

Akin ka na lang ulit

Dahil parati kang laman ng isip.

Binibiro ka lang naman

Nong sinabi kong ako'y iwan

Tinotoo mo naman

'Di ka man lang nagpaalam.

Inaasar ka lang naman

Bigla mo namang tinalikuran

Kaya naman ngayon'y nangugulo

Dahil bigla kang lumayo.

Kaya nga akin ka na lang ulit

'Di na 'ko magiging makulit

Akin ka na lang ulit

'Wag ka ng magalit

Akin ka na lang ulit

Wag ka ng magsungit.

Mahal naman talaga kita

'Wag ka ng magtampo

Pansinin mo na ako.

'Di na kita aasarin

'Di na rin kita lolokohin

Basta't 'wag ka ng magtampo sa'kin

Galit ay alisin na rin.

'Wag ka ng sumimangot

'Wag ka ng tumalikod

Andito na 'ko sa'yong tabi

Seryoso na sa sinasabi.

Ako na lang ulit.

Tayo na lang ulit.

'Di na ko magiging pasaway

Pag-ibig ko ay tunay.

'Wag ka ng magsungit.

'Wag ka ng magalit\

Please akin ka na lang ulit.

mhirejed--cjl

---------------------------------------------------------------

'Yong naglalambing ka pero sobra-sobra na pala.

'Yong itinulak mo palayo sa'yo tapos nalaman mo 'yong worth n'ya

Kaso malayo na s'ya.

Kaya ayon pinilit mong sana kayo na nga lang ulit.

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon