'Di ko inasahan ang 'yong pagdating
Natigilan maging sa'yong pag-amin
Bigla na lamang at 'di ko napansin
Na ang loob at puso ko'y nahulog na rin
Ngunit 'di ko inasahang ganun kabigat
Ang saya at sakit na kaakibat
Hindi ko napaghandaan ang lahat
Kaya't hapdi ng puso'y naisiwalat.
Kung kaya ko lang sanang pigilan
Itong aking nararamdaman
Noon pa lang ay ginawa ko na
'Di na sana puso'y nagdurusa
Kunf kaya ko lang iwasan ka
'Di na sana kita hinahanap pa
At pag-ibig ay 'di na sana nagsimula
Mga mata'y 'di na sana lumuha.
Napansin kong malinaw ang 'yong paglayo
At naramdaman kong biglang huminto
Ang pagtibok nitong aking puso
Dahil sa biglaang pagkakalayo.
Kung kaya ko lang sanang talikuran ka
Matagal ko na sanang ginawa
Kung kaya ko lang ipagpalit ka
'Di na sana nangungulila
At kung kaya kitang ibaon sa limot
Puso'y wala na sanang kirot
Kung kaya ko lang
'Di na sana nahihirapan
Kung kaya ko lang
Matagal na kitang nalimutan.
< created during my birthday July 01, 2012, 10:14am .. solo sa apartment nong mga panahong un kaya emotera ang tula.. sana lang nabasa n'ya ilan sa mga tula ko.. Source of inspiration kaya s'ya ng mga tula ko dati ... sa ngayon kz iba na ang source haha .. 7 years na ang nalakaraan at natatawa na lang ako sa mga tula ko .. >
< if you're interested you couLd read it to .. thank you .. >
BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoesíaHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...