HULING PAGKAKATAON (c.j.l.__mhirejed)

92 0 0
                                    

‘Di ko inaasahan

Na ako’y iyong iiwan

Alam kong ika’y nasaktan

Ngunit matagal ng pinagsisihan.

Alam kong malaki ang pagkukulang

Ngunit ayokong mawala ka

‘Wag mo akong talikuran

Dahil mahal pa rin kita.

Huling pagkakataon ang hiling ko

At nangangako ako sa’yo

‘di ko sasayangin kung pagbibigyan mo.

Huling pagkakataon

Ang tanging hinihingi ko

Sa’yo’y nagsusumamo

Sana’y mapagbigyan mo.

Napaluha kita na aking sinadya

At iniwanan kang bigla.

Ngunit akin ng napagtanto

Ang mga kasalan ko.

Sinadya ko mang ika’y paasahin

Ngunit ‘di ko pala kakayanin

Ang tuluyan kang mawala sa’kin.

Kaya’t sumasamo ang puso ko

Pagbigyan mo sana ako.

Hindi ko sasayangin

Ang huling pagkakataon

Na sa’ki’y itutuon.

Huling pagkakataon

Ang tangi kong hiling.

‘di na ako mawawala sa’yong piling

Kaya’t pagbigyan mo na rin.

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon