Kay bilis ng kabog ng dibdib
Tuwing ika'y aking naiisip
Ang boses mong malamig
Sa puso ko'y dumidilig.
'Di ko inasahang darating ka
At sa kagipitan ako'y isasalba
Ang s'yang sumalo
Sa nahulog kong puso.
Walang ibang himig
Ang puso ko at isip
Kundi ang pangalan mo
At lahat ng tungkol sa'yo
Ang hindi ko hiniling
Ngunit kusang dumating
Ang tanging nagpangiti
At sa isip laging sumasagi.
Ang nag-iisang prinsipe
Ang aking prinsipe.
Hawak mp ang kamay
Habang naglalakad ng sabay
Dama ko ang kaligtasan
Lalo na ang kasiyahan
Sa tuwing yakap mo
Tumatalon sa tuwa ang puso
Sa pagmamahal na ibinigay
'Kita ko ang ganda ng buhay.
Aking mahal,
Aking buhay,
Aking prinsipeng tunay
Na nagbigay kulay
Sa itim at puti kong buhay.
Dito ka lang
'Wag kang bibitaw
Dahil ikaw lamang
Ang nag-iisang prinsipe
Ang aking prinsipe.
< naniniwala ka man o hindi sa prinsipe para sa'yo ito.. at kung palagay mong ikaw 'yon ahemnn ano ngang pangalan mo :-D :-D :-D .. Date Created: July 09, 2013, 11:08PM >
<<IKAW NA 'YON... ANG AKING PRINSIPE...>> HAHAHAHAHAHAHHA
BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoetryHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...