Di mo na kailangan pang maging gwapo ng todo
Para lang mapansin ko
'Di mo na kailangan pang pumorma
ng sobra
Para lang ika'y aking makita
'Di mo na kailangan pang magsinungaling
Para lang aking mahalin
Tama na sa'kin 'yong simple
Walang madaming arte
Basta't seryoso at totoo
Mapapaibig mo ako.
'Di mo na kailangan pang sumigaw
Para lang atensyon ko'y maagaw
'Di mo na kailangan ng rosas
O kaya'y maging maangas
Para lang mabihag ang puso ko
'Di ko kailangan ng kahit ano
Basta't maging totoo ka lang na tao.
Hindi man ikaw ang pinapangarap ko
Wala man sa'yo mga katangiang
hinahanap ko
Basta't magsabi ka lang ng totoo
Mapapaibig mo ako.
Hindi man ikaw ang aking hiniling
At pinangarap na mahalin
Basta't ika'y seryoso
Ibibigay ko sa'yo ang puso ko.
'Di mo na kailangang maging mayabang
O mambola ng kainaman
Para lang ika'y paniwalaan
'Di mo na kailangang tawirin
Ang matarik na bangin
Para lang patunayan sa'kin
Na dapat kang mahalin
Dahil sapat na sa'kin 'yong totoo
At ika'y tatanggapin ko.
'Di mo na kailangan pa
Oo! 'Di mo na kailangan lahat
Lalo na ang umiyak sa'king harap
Para puso ko'y mayakap
'Di mo na 'yon kailangang gawin
Ang mahalaga'y magpakatotoo ka
At mamahalin kita ng higit pa sa sobra
Iingatan ka ng labis
At sa puso'y di iaalis.
Kaya 'di mo na kailangan lahat
Tanging sarili mo lang
at ikaw na tapat.
'Di mo na kailangang
maging ibang tao
Mas tanggap ko 'yong ikaw na TOTOO.
<< kung sino ka... tanggap kita... kahit na ano ka pa... mahal kita..>>
<< hindi ko kailangan ng plastic na ikaw... sapat na 'yoong IKAW... ikaw lang..>>

BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoetryHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...