MAHAL PA RIN KITA (c.j.l.__mhirejed)

544 5 1
                                    

Kahit na sa’ki’y ayaw mo na,

Mahal pa rin kita!

Kahit pa sinukuan mo na,

Mahal pa rin kita!

Kahit ano pang kahit na.

Kahit ilan pang kahit pa.

Mahal pa rin kita!

‘Di na ‘yon mawawala.

Ikaw ang musika,

Sa gabing tahimik.

Ikaw ang gitara,

Ang letra at titik.

Nagsisilbi kang jacket.

Sa gabing malamig.

Sa uhaw na bibig

Ikaw ang nagsisilbing tubig.

Kaya kahit minsan kang iniwan

Ikaw pa rin ang babalik-balikan

Dahil ikaw ang dugo

Na pumupuno sa’king puso.

Mahal pa rin kita!

Kahit kama’y mo’y hawak na n’hya.

Mahal pa rin kita!

Kahit nasasaktan pa

Dahil kahit ano pang mangyari

Puso ko’y ‘di nagsisisi

Na ikaw ang s’yang pinili

At puso’y sa’yo lang itinali.

Sa tuwing nalulungkot

Mukha mong nagpapangiti,

Kapag puso’y napopoot

Ngiti mo ang s’yang pumapawi.

Kahit saan magpunta

Lilingunin pa rin kita

At kahit ako’y ipagtabuyan

‘Di kita malilimutan

Dahil itong puso ko

 Sa’yo lang nakalaan.

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon