BUMALIK KA NA (c.j.l.__mhirejed)

170 0 0
                                    

Ang linggwahe ng puso ko

Sana’y maintindihan mo

Ang nakikinig mong liriko

Ay kusang binabanggit ng puso ko.

Sa lugar kung saan ka umalis

Maririnig mo ang pagtangis

Ng pusong walang ibang kawangis

Kundi ang puso mong kay tamis.

Hihintayin ka, ako’y puntahan.

‘Di ako aalis, kahit walang kasiguruhan

Na muli kang masilayan

Doon sa tagong tagpuan.

Kaya’t bumalik ka na

Bago maubos ang mga luha.

Bumalik ka na sa piling ko sinta.

Kahit pa ako’y mapaos

Kahit malakas na ula’y bumuhos

Pag-ibig ko sa’yo’y ‘di matatapos.

Kaya’t sa tagpuan natin

Doon kita hihintayin.

Sa lugar ng mga pangarap natin

Doon mo ako sadyain.

Bumalik ka na

‘Pagkat ‘di ko  makakaya

Na habambuhay kang wala

At ‘di nakikita.

Bumalik ka na sa’king bisig

Dahil ikaw lang ang s’yang iniibig.

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon