ALAALA (c.j.l.__mhirejed)

95 0 0
                                    

Magkahawak ang mga kamay

Kahit sintunado’y kumakanta ng sabay

Habang sa balikat ko ika’y nakaunan

At nakatitig sa kalawakan

Pinagmasdan ko ang mukha mo

Malaki man ang ipinagbago

Ngiti mo’y pareho

At tibok ng puso ko’y ‘di nagbabago.

Una kitang naktiang umiiyak

Nilipitan kita kahit ‘di tiyak

Kung ako’y papansinin

At dinaramdam sa’ki’y sasabihin.

Nong ‘di ka umalis, dinamayan kita

At dooon nga nagsimula

Ang kwento nating dalawa.

Saksi ang araw sa’ting kasiyahan

At ang buwan sa pagdaramdam.

Kapiling natin ang hangin

Sa sumpaang binuo natin.

Maraming kanta ang ating istorya

Ngunit nananatiling magkadikit

Ang ating puso at isip.

Sa harap N’ya tayo’y sumumpa.

Sa mga pagsubok karama’y natin S’ya.

Ika’y nanatili sa’king tabi

At ang supling natin ang saksi.

Ngayon nga’y matatag pa rin

Ang pag-iibigan natin

Na sinubok ng panahon

At pinatatag ng mga hamon.

Yakap nati’y mas humigpit

Tadhana sa’ti’y nakakapit.

At kung sa’ti’y may lilisan

Ang pangako’y ‘di maiiwan.

Alaala ng nakaraa’y naging sandalan.

Na nagpatunay sa panghabambuhay.

Ika’y sa’kin nakatakda.

Puso ko’y sa’yo itinadhana.

Kaya kahit balat natin ngayo’y kulubot

At mabagal na ang mga kilos

Mananatili tayong walang takot

 Sa mga darating pang unos.

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon