Naniniwala ka ba kay Kupido?
Kung hindi eh pakinggan mo ako!
Minsan ko lang sasabihin
Kaya’t makinig ka sa akin.
Pitung taon ang nakaraan
Nang huli kong maramdaman
Na ang puso’y may mahalin
Ngunit nasaktan lang din.
‘Di na ‘ko muling umibig pa
Hanggang sa dumating ka
Hindi ko nga maintindihan
Ngunit bigla akong tinamaan.
‘Di ‘ko ‘to napaghandaan
Kaya’t medyo naguguluhan
Ika’y aking nagustuhan
Sa ‘di malamang dahilan.
Adik talaga ‘yang si Kupido
‘Yon pang nanahimik kong puso
Ang s’yang napagtripan
‘Di man lang nagpaalam.
Pero okay na dahil…
Sa’yo’y tinamaan na ako,
Sa bawat ngiti mo
Nanlalambot ang tuhod ko.
Tinamaan na ako ni Kupido
Kaya naman ang pihikan kong puso
Buong-buong nahulog sa’yo.
Isa, dalawa makinig ka!
Malamang alam mong gusto na kita.
Tatlo, apat ako’y magtatapat
Ikaw na ang gusto kong makayakap
Lima, anim pakinggan ang damdamin
‘Pagkat ‘di ko na ‘to uulitin
Gusto kita! Kahit sino ka pa!
Ikaw pa lang sa’kiy sapat na!
‘Di ko man harapang maamin
Na ika’y mahal na rin
Sa tula kong ito
Nawa’y malaman mo.
Isa, dalawa, tumingin ka sa’king mata
Tatlo, apat sa’kiy magtapat
Lima, anim ako’y aamin na rin
Mahal na kita, ramdam mo na ba?
Tinamaan na ‘kong talaga
Ngayon ang puso ko’y hawak mo na.
Isa, dalawa, nakikinig ka ba?
Tatlo, apat, hindi pa ba sapat?
Lima, anim, pakinggan ang damdamin
Puso ko sa’yo’y tinamaan mandin
Oh boy! Ika’y mahal na rin.
<< this poem is made for him only...>>
<< so far hindi man naging kami at least because of him nakasulat ulet ako ng tula... >>
<< totoo 'to...tinamaan talaga ako..>>
<<pero wala na eh...>>
<< falling apart...pero moving on...>>
<<don't you dare believe when I said ikaw lang kz posibleng hindi 'yon totooooooooo>>
BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoetryHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...