May luha na naman ang 'yong mga mata
Maging pagtangis mo ay labis na
Ngunit 'di ka pa rin nagsasawa
Na patuloy umasa sa wala
Minamahal mo s'ya ng labis
At mas pinili mo ang magtiis
Kahit nagmumukhang tanga
Mas pinili mo na lang ang umasaChorus:
Ikaw ang bituin sa kalawakang madilim
Ngunit hindi n'ya 'yon napapansin
Ikaw ang buwan, nag-iisa sa kalawakan
Ngunit di n'ya naman tinitingnan
Ikaw ang ulan na kay sarap maramdaman
Ngunit patuloy n'yang ipinagtatabuyan
At sa puso ko'y ikaw
Ikaw ang tanging pumukaw
Ikaw na sa iba, nakatuon ang mga mata.'Di ka bumibitaw sa kanyang kamay
Sa piling n'ya'y ayaw mong mawalay
Kahit lantaran kang itinutulak
Pinili mo na lang tahimik na umiyak
Hinahanap-hanap mo s'ya
Pero pinagtataguan ka
Katabi mo na nga ako
S'ya pa rin ang hinihintay mo(Repeat Chorus)
Bridge:
Ikaw ay tunay magmahal
At paulit-ulit kang sumusugal
S'ya nama'y walang pakialam
Malimit kang pinagdaramdam
Ikaw ang lagi kong nakikita
Ngunit ako'y laging balewala
Dahil puso n'ya ang lagi hangad
S'ya ang lagi mong hinahanap
Ikaw ang nais kong makasama
Ngunit ang puso mo'y mas pinili s'ya.
(Repeat Chorus)mhirejed---cjl
--------------------------------------------------------------
first time kong lagyan ng tune ang tula ko..
SINTUNADO TALAGA AKO.
hahaha.
'YOng tipong mahal mo tapos mahal 'yong iba tapos 'yong ibang mahal
mayroon ding ibang mahal.
'Yong pinapangarap mo na may pinapangarap ding iba na hindi
naman s'ya ang pinapangarap nong ibang 'yon.
ANG GULO....
BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
Thơ caHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...