HINDI KITA IIWAN (c.j.l.__mhirejed)

366 0 0
                                    

Nais kong malaman mo

Na mahalaga ka sa puso ko

'di ko man maipakita

Lihim namang nag-aalaga.

Gusto kong maramdaman mo

Ang tibok ng aking puso

'di mo man naririnig

Sa'yo naman ito'y nakatitig.

HIndi kita iiwan

Kahit ako'y mahirapan

Hindi kita iiwan

Kahit pa nasasaktan

Hindi kita iiwan

dahil bilang kaibigan

Doon kita madadamayan.

Mainit na likido

Na tutulo sa mukha mo

Ay papahirin ng husto

At ngiti ang ipapalit ko.

Kung iiwan ka n'ya

At puso mo'y sasaktan n'ya

Gagawin ko ang nararapat

Aalagaan ka ng tapat

'pagkat ako'y kaibigan

At hinding-hindi mang-iiwan.

Hindi kita iiwan,

Kahit ang kahulugan noon

Ay mananatiling kaibigan

Sa habang panahon.

Hindi kita iiwan

Dahil ikaw lang ang dahilan

At ang tanging kahulugan

Ng bawat kasiyahan

Kaya't hinding-hindi kita iiwanan.

mhirejed--cjl

---------------------------------------------------------------

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon