AKIN KA NA LANG? (c.j.l.__mhirejed)

184 0 0
                                    

Tapos ko na homework ko

Nabasa ko na rin ‘yong diksyunaryo

‘Yong math formula akin ng saulado

Nabuod ko na rin ‘yong libro.

Alam ko na rin ‘yong bagong balita

Nakagawa na rin ako ng tula

Kaya ko na ring tumugtog ng gitara

Kahit sintunado sasabayan ko ng kanta.

Kaya pwede na bang ako’y mahalin?

At pakinggan ang aking damdamin?

Pwede na bang saki’y tumingin?

At pakinggan ang awit ng damdamin?

Pwede na bang ako’y mahalin?

At pangalan ko’y bigkasin?

Pwede na ba?

‘Yong tayo namang dalawa?

Saulado ko na ‘yong paborito mong kanta.

Nakita ko na ‘yong gusto mong banda.

At pirma ng paborito mong artista

Sa’yo’y naibigay na.

Kilala ko na rin ang pamilya mo.

Mga kaibigan mo sa’ki’y boto.

Nalagpasanko na rin pati ex mo.

Napatunayan ko na ring ako’y seryoso.

Kaya pwede na bang tayo naman?

Pwede na bang ako naman ang samahan?

‘Yong sa mga mata ako’y titigan

At pag-ibig ko’y mapagbigyan.

Pwede na bang kamay mo’y hawakan?

Pwede bang higit pa sa kaibigan

Ang sa’ki’y iyong ilaan?

 Kaya pwede na bang akin ka na lang?

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon