Sa muling pagpikit ng mga mata
Maamong mukha pa rin ang nakapinta
Kasama ang masayang alaala
Ng dalawang pusong balot ng sigla.
Pinagtagpo sa gitna ng kamusmusan
Pinaglapit ng mga kaibigan
At ng ang mga mata’y nagtama
Parang may kung anong sa puso’y pumana.
Ang mga ngiti’y may kilig na hatid
Bawat araw ay kay sayang walang patid
Mga tukso’y parang musikang kay lambing
Malinaw kahit sa pagkakahimbing.
May kahulugan ang bawat titik
Mayroong tinig ang mga titig
Nabuo ang isang tunay na pag-ibig
Na s'yang nagpainog sa daigdig.
Kay sigla ng mga puso
Tila ba’y di na hihinto
Kay raming mga pangako
Inasahan labis ng mga puso.
Nang ang liwanag ay nilamon
Kumalat naman ang dilim
Patak ng ula’y bumagsak din
Kasabay ng mainit na likidong naglandasan
Pisngi ay nabasa na tila ba walang katapusan,
Sa gitna ng katahimikan
May pusong kinain ng kalungkutan
Sa gitna ng kadiliman
May pusong nasugatan
Ang pag-ibig na binuo
Tuluyan ng naglaho
Mga pangakong sa puso’y ibinaon
Hinayaang ankinin ng kahapon.-MhireJed-

BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoetryHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...