Kung pakiramdam mo
Na tinalikuran ka ng mundo
'Wag kang mangamba
'Andito pa ako't kasama ka.
Lumingon ka lang sa'kin
Hindi kita bibiguin
At sa pagbagsak mo
Tutulungan kang tumayo.
Karamay mo ako
Sa'yong pagkabigo
Hindi ka iiwanan
Hindi ka susukuan.
Makakasama kahit san magpunta
Kaya't 'wag ka ng mangamba
Karamay mo ako sa pag-iisa
'Wag kang susuko
Dahil nandito lang ako
Hahawakan ko ang 'yong kamay
At hinding-hindi bibitaw.
Kung gusto mong umiyak
Pupunasan ko ang luha mo
Kung hindi ka tiyak
Isama mo lang ako.
Karamay mo ako sa lahat ng problema
Kaya't 'wag kang mag-alala
Na mag-iisa ka pa
Dahil habang nandito ako
Hindi ako aalis sa tabi mo
Karamay mo ako sa kalungkutan
At hinding-hindi ka pababayaan.
mhirejed--cjl
----------------------------------------------------------
Pwedeng kaibigan at pamilya ang maaring karamay
Pero usually hindi nang-iiwan 'yon nasa ITAAS.
Karamay natin S'YA sa lahat ng oras.

BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoesíaHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...