Aalis na ‘ko,
‘di mo ba ‘ko pipigilan?
Aalis na ‘ko,
‘di mo ba ako sasamahan?
Aalis na ‘ko,
Nakikinig mo ba?
Aalis na ‘ko,
‘di ka ba magsasalita?
Aalis na ‘ko,
‘di ka ba titingin?
Aalis na ‘ko,
‘di mo ba ko iisipin?
Aalis na ‘ko, seryoso na ‘to.
Nasabi ko ng lahat
Napatunayang ako’y tapat.
Wala akong pinagsisisihan
Sa’king naramdaman.
Minahla kita’t ‘di ‘yon pagkakamali.
Iniisip din kitang parati
Kung ang buhay ko’y marami
Puso ko’y sa’yo pa rin itatali.
Pero sa ngayon
Aalis na ‘ko,
Iiwan muna kita.
Aalis na ‘ko,
Paalam na muna.
Aalis na ‘ko,
Kahit mahal kita.
Aalis na ‘ko,
Hanggang dito na lang.
Pero pangakong ‘di ka malilimutan.
Para sa’tin kaya gagawin ko ‘to.
Iiwan muna kita sa ngayon
Ngunit babalik ako sa takdang panahon
Kung tayo’y talagang nakatakda
Muli tayong pagtatagpuin ng tadhana
Pero dahil hindi ka pa handa
Ako’y aalis na muna.
BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
ПоэзияHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...