Hindi n’yo sinadyang mga mata’y magtama
‘Di n’yo inasahan ngunit naramdaman
Sinubukan n’yong pigilan
Ngunit tibok ng puso’y nakipaglaban.
Nararamdama’y pilit n’yong itinago
Iniwasan n’yong puso’y muling magtagpo,
Musika sa isipa’y pilit n’yong pinahinto
Ngunti sa huli kayo’y nabigo.
Dahil kahit bawal kayo’y sumugal
Laman ng puso’y inusal
Kahit bawal kayo’y pumasok
Sa mundo ng pag-ibig na masalimuot.
Mapanghusgang mata sa inyo’y nakatitig
Masasakit na salita’y inyong narinig
Mga tawang nakakainsulto
Ay tuluyang nasaksihan ng puso n’yo.
Dalawang puso, parehong anyo!
Dalawang buhay, parehong kasarian!
Dalawang taong sumugal
Sa isang bawal na pagmamahal.
Kahit bawal kayo’y naghawak kamay
At sumabay sa daloy ng buhay.
Kahit mali sa labi n’yo’y may ngiti
Kahit hini dapat walang pagsisisi.
Hinayaan n’yong tumibok ang puso
Kahit ang mundo sa inyo’y sumuko.
Kahit bawal kayo’y nagmahal
Kahit hindi dapat ‘di kayo bumitaw
At kahit mali sa paningin ng iba
Mas pinili n’yo kung saan kayo sasaya
Kahit bawal ‘di kayo sumuko
Ipinaglaban n’yo ang laman ng puso.

BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoesieHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...