M.U. (c.j.l.__mhirejed)

278 2 2
                                    

Nagtama ang paningin

Nagkasundo ang damdamin

Kahit ano pang sabihin

Nararamdama'y 'di kayang pigilin.

Masaya sa tuwing magkasama

Buo kapag nagkikita

May ngiti sa tuwing magkausap

Mundo'y naiiba 'pag magkaharap.

Walang titulo pero damdami'y totoo.

Walang pinanghahawakan,

Maliban lang sa puso.

Hindi pwedeng angkinin,

Dahil walang karapatan.

Hindi ka pwedeng magbawal

Dahil walang usapn.

At kung pwedeng magselos

Hanggang doon na lang

Dahil ang tanging mayroon

Ay ang nararamdaman

Na 'di naman maayos na napag-usapan.

Magkahawak kamay

Habang naglalakad.

Malakas ang halakahak

Kapag magka-usap.

May ngiti ang bawat titig.

May kahulugan ng mga himig.

Ang mga puso'y nagkaintindihan

Ngunit hindi ang isipan.

Nanatiling tahimik at kontento

Ang pinagtagpong mga puso.

Hindi s'ya sa'yo.

Hindi ka sa kanya.

Hindi mo s'ya pag-aari.

Ganoon din s'ya.

Walang dapat sisihin 'pag may nasaktan

Dahil magulong usapan

Ang tanging pinagsasaluhan.

Walang dapat tapusin,

Dahil walang sinimulan.

Walang dapat hilingin,

Dahil walang pamantayan.

Pwedeng parehong masaya ngayon

Ngunit hindi habang panahon.

Pwedeng nasa ulap ang damdamin

Ngunit babagsak din.

Dahil kahit pagbali-baligtarin

Magulong usapan pa rin.

<< Para sa mga taong ang tanging kontento sa walang titulo..>>

<_ Yun oh!!! Kuha mo _>

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon