MUKHA NG PAGMAMAHAL (c.j.l.__mhirejed)

190 0 0
                                    

Karugtong ka ng puso ko

Konektado ang dugo

Ako ang nasasaktan

Iyo ring nararamdaman.

Sa tuwing ako'y lumuluha

Bakas ang awa sa'yong mukha

Ikaw ang aking karamay

Nagbigay ng kulay sa buhay.

Ako'y iyong dugo't laman

Kaya batid mo 'pag nasasaktan

Inalagaan sa kabila ng hirap

Prinotektahan sa lahat.

Sa pagmamahal 'di ka nagsawa

Walang kapantay ang pag-aaruga.

Ikaw ang s'yang mahal

Na patuloy na umuunawa

Walang ibang ginawa

Kundi magmahal ng di nagsasawa.

Ikaw ay labis kung magmahal

Walang sukatan ang 'yong kabaitan

Ikaw ay huwara't kaibigan

Nagsisilbing sandalan.

Ang ngiti sa labi ko

Kapayapaan ang hatid sa'yo

Ang lungkot na nadarama ko

Bumibiyak sa puso mo

Ako'y karugtong mo

Ikaw ang kahinaan ko

Kahit labis pa kitang saktan

'Di mo 'ko tinatalikuran

Kahit ano pang gawin ko

Tinatago pa rin sa'yong puso

Ang kabiguan ko'y kabiguan mo

Ang pagluha ko

Pagtangis din ng puso mo

Ang kamalian ko'y tinutuwid mo

Ibinigay ka sa'kin ng langit

Upang aking mahalin

Upang ako'y iyong mahalin

Ikaw ang dugo sa'king puso

Ako ang laman at 'yong dugo.

MhireJed--cjl.. -------------------------------------------------------------- PARA SA LAHAT NG INA SA MUNDO... HAPPY MOTHERS DAY PO...

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon