Makulit ako at masungit
Bigla na lang nagagalit
Saka magpapakamanhid.
May oras na ‘di mo maiintindihan
Biglang ‘di ka na lang pakikinggan
At aawayin ka na lamang.
Medyo may pagkasumpungin
Bigla-biglang ‘di ka na lang papansinin
Tapos makukuha kang tiisin.
Diba’t sadyang nakakalito
Ang unawain ang isang tulad ko
Pero…Pero…Pero…
Peksaman, seryoso ako sa’yo
Tibok ng aking puso
Bumibilis ng husto.
Sa’king nararamdaman
Maniwala ka lamang
Dahil ikaw nga lang, peksman!
‘Di ka mang palaging nakikita
‘Di man palaging nakakasama
Ito namang pusot’ isipan
Ikaw lang ang s’yang nilalaman.
‘Di mo man malimit makinig
‘Di man sinasabi ng bibig
Pero pagdating sa iyo
Bumibilis tibok ng aking puso.
Sa’yo lang ako muling nagseryoso
Itong puso ko’y sadyang nabihag mo
‘Di mo kailangan pang magduda
Dahil higit pa sa gusto kita
Aamin na akong mahal na kita
Peksman, ikaw nga lang!
<< this poem is still made for him...>>
<<hindi ko man nasabi sa kanya...but at least naisulat ko naman sa tula..>>
<<ito na 'yon eh...kaso...wala eh..>>
<<__________________>>
<<achuchcuchu.... >>
<< para sa mga taong nagmamahal at minamahal>>
BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
ŞiirHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...