No'ng una kang makita
Atensyon ko'y iyong nakuha
Naging makulit ako
Upang magkalapit tayo.
Kahit walang enta
Nagtatanong ako,
Kahit hindi tama,
Nagpapapansin sa'yo.
Nagtagumpay naman ako
Kaya't lalong napamahal sa'yo
Pinadama mong ako'y mahalaga
Ipinakita mong sa'ki'y masaya ka
Kaya't patuloy akong umasa
Na sa huli ay may tayong dalawa.
Ngunit bigla kang nagbago
Bakit inililihim mo
Na nagkikita tayo?
Bakit itinatago mo
Ang isang tulad ko?
Kapag wala sila sa'ki'y masaya ka
Nagagawa mo pa ngang magpatawa
Kapag tayo lang dalawa
Napakalambing mo pang talaga.
Ngunit bakit pag kasama na sila
Parang 'di mo na ko kilala.
Kapag sila'y iyong kausap
Parang ayaw mo kong kaharap
Bakit ba kilos mo'y nagbabago
kapag may ibang tao
bigla kang lumalayo
at laman ng puso'y itinatago.
Ngunit tuloy pa rin ang buhay
'pag tayo lang dalawa
At nag-iiba ang kulay
Pag may iba na.
Gunaw ang mundo ko
Nong malaman ko ang lihim mo
May nagmamay-ari na pala ng yong puso
sa huli'y pinaasa lang ako.
Di pa rin kita malimutan
Kahit ako'y nasasaktan
bakit patuloy pa ring umaasa
Kahit alam kong malabo na
bakit nga ba alaala mo'y malinaw pa
kahit 'yon pa ang dahilan ng pagluha.
Bakit nga ba?
< baklang Kaye now ko pa lang pala nai-post..pero June 24, 2012 ko pa yan ginawa. Kasagsagan nong mga moment na nag-si-share tayo ng memories...Pasensya na mejo masakit ang pgkakagawa kz ramdam kita noon hahaha... pero tanong lang okay ka nman na ano? Nalimutan mo na baga? hahaha>
BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoesíaHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...