WALA KA NA (c.j.l.__mhirejed

110 0 0
                                    

Magkahawak ang ating kamay

Habang naglalakad ng sabay

Kaygaan sa pakiramdam

Ang ika'y aking mapagmasdan.

Kontento na sa'yong ngiti

Maging sa simple mong bati

Wala na 'kong mahihiling

Kundi sa hambambuhay ka ng maging akin.

Sa higpit ng 'yong yakap

Ramdam ko labis mong pag-iingat

Sa bawat akbay na 'yong bigay

Wala ng papalit sa'yo sa'king buhay.

Sa tuwing kasama ka't nangungulit

Pakiramdam tila ba nasa langit

Kaya't 'di ko alam ang gagawin

Kunga'kin ika'y kukunin.

Usal ko lagi sa panalangin

Na 'wag ka ng mawala pa sa'kin

Ngunit bakit ba tila kay lungkot?

Ang sa puso ko'y bumabalot

Sandaling mata ko'y ipinikit

Lalo kong naramdaman ang sakit

At sa pagmulat ng aking mata

Sa tabi ko'y WALA KA na

Isa ka na lang palang alaala

Kailanma'y di ko na makakasama

Wala ka na sa'king tabi

Di man lang nagpasabi

Wala ng sa'ki'y mangungulit

'Yong dahil sa selos ay magagalit

Wala ng magbibigay ng rosas

At kakanta na parang wala ng bukas.

Wala ng tugtog na tatawag sa'kin

Para lang "mahal kita'y" sabihin.

Di ko man aminin

Pero ako'y nasasaktan pa rin

Dahil wala ka na

Wala na 'yong aking kapareha

Wala ng kasama kong mangarap

Wala na ang walang hanggang sulat

Di man ako nakapaghanda

Pero ito na nga ang itinakda.

Di ko man matanggap

Ngunit alaalana lang ang sasapat

Sa puso kong nangungulila

Dahil WALA KA na nga!






--Ito trip ko ng isinulat... MAY NAALALA LANG EH... hahaha.. LAST NA 'TO.. kunyare..taahahahaha...
































Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon