Wala namang matibay na dahilan
Ngunit nagpasyang ika’y iwan
Mga pagsamo mo’y ‘di pinakinggan
At tuluyan kang tinalikuran.
Kinalimutan ang pag-ibig mo
Hinayaan kang sumuko
Naranasan kong mawalay sa’yo
Bigla ka namang hinanap ng puso
Muli kitang nilingon
Ngunit bigo ako dahil wala ka na doon
Binalikan ko ang nakaraan
Muli kong naramdaman
Ang tunay na kaligayahan
Sa’yo lang pala natagpuan.
Kinatok kong muli ang puso mo
Ngunit sa’kin ‘yon ay isinara mo
Sinikap kong bumalik sa’yo
Ngunit naranasan kong mabigo.
Nakita ko ang ‘yong mga mata
Laman ng puso mo’y aking nabasa
Tuluyan ka ng sa’ki’y nawala
Pag-ibig sa’ki’y iyo ng binura.
Wala ng lugar sa isang pagkakataon
Wala ng musika ang puso ngayon
Tuluyan ng nalimutan
Ang lahat ng ating nakaraan.
Umaaasang muli kang makita
Upang huminto sa pagdaloy ang luha
Lumingon ang puso sa kawalan
Naghihintay ng sariling kapalaran
Inaninag ng puso ang ‘yong larawan
Malinaw pa rin ang nakaraan
Sa paghina ng pintig ng puso
Pintig ng puso mo’y pilit dinggin nito
Umaasang muli kang babalik
Sa’yong pagmamahal ay nasasabik
At sa muling pagsikat ng araw
Pag-asa’y ‘di pa rin natutunaw
Puso’y patuloy pa ring umaasa
Na pagmamahal mo’y muling madama.

BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoetryHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...