Kung sa'n-sa'n na napadpad
'Di pa rin mahagilap
Kung anu-ano ng ginawa
Wala pa ring makuha.
Marami ng naabot ng tingin
Marami ng nasaktang damdamin
Hanggang sa ika'y dumating
Na kumompleto sa'kin.
Ikaw lang pala
Ang hinahanap ng puso
Ikaw lang pala
Ang dito'y bubuo
Ikaw lang pala
Ang tinatawag nito
Ikaw lang pala
Ba't ngayon lang tayo pinagtagpo?
Ang magulong isipan
Biglang nalinawan
Ang malungkot kong puso
Napasigla mo ng husto.
'Di na kailangang maghanap sa iba
'Di na kailangang isarado ang mata
AT 'di na kailangang magpaliguy-ligoy pa
Kaya't sasabihin ko na nga...
Ikaw lang pala
Ang matagal ng hinihintay
Ikaw lang pala
Ang iibigin ng tunay
Ikaw lang pala
Ang sa'ki'y magpapabago
Ikaw lang pala
Ang bubuo sa'king puso
Bakit ngayon lang tayo pinagtagpo?
Ngiti mo'y swak na
Para ako'y mapasaya
Titig mo'y sapat na
Para bumuo ng alaala
Dahil ikaw lang pala
Ang sasagip sa buhay ko
Na sadyang patapon na.
mhirejed--cjl
----------------------------------------------------------------------------
Ang dami ng nangyari tapos bigla kang nagbago
'Yong matagal mo ng hinahanap
Katabi mo na pala.
Biglang boom.
binago ang buhay mo.
luminaw ang magulong pananaw mo sa mundo.
Naging parte na s'ya ng pagkatao mo.

BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PuisiHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...