Away Bati (c.j.l.__mhirejed)

262 0 0
                                    

Sabi ko dati na 'di kita gusto

Ngunit bigla 'yong nagbago

'Di nga tayo magkasundo

Magkaiba hilig ng mga puso.

Ewan ba kung anong nangyari

Basta't nasanay na sa'yong tabi

Kahit malimit nagtatalo

Palagi namang pinagtatagpo

Ang katotohanang ang mga puso

Sa pagmamahal nagkakasundo.

Away bati ganyan tayo parati

Away bati ngunit sa huli

Palaging may ngiti.

Dahil sa pagmamahal

'Di maiwasabg mag-away

Ngunit sa huli ay may ngiti

Na iniiwan sa mga labi.

Sabi nila "ang kulit"

Parang sa bata ang ating pag-ibig

Dahil inumpisahan sa away

Nagtungo sa hawak kamay

Na sinundan ng pagmamahal

Mula sa Maykapal

'Yong 'di natin inasahan

'Yon ang ating pinanghawakan

Kahit na o kahit pa...

< relate ka kung inaaway mo s'ya pag namimiss mo s'ya .. relate ka kung nagsimula kayo sa aso't pusa na parang batang away muna.. but at the end kayo pa rin >

TULA (Malalim Ang Hugot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon