May mga tao talagang darating sa buhay mo para pasayahin ka pakatapos ay sasaktan ka lang.
Mayroon ding mga taong nandyan lang sa tabi-tabi na mamahalin ka ng buo at di ka kayang saktan, pero sila pa yung hindi mo makita-kita.
Pero, gayon pa man... meron talagang tao na nakatadhanang dumating sa buhay mo, para mahalin ka ng totoo kahit sandali mo pa lang ito nakilala.-dlimms
++++++++++
SANDY POV
Nandito ako ngayon sa loob ng Mall, bumili ako ng cake dahil anniversary namin ni Norwin ngayon. Hindi ko siya tinetext o tinatawag dahil balak kong isurprise siya sa Condo niya.
For sure, nakalimutan na naman niya na Anniversary namin. Hays. Makakalimutin talaga yun e. 2 years na kaming in love sa isa't isa at sana... magpropose na siya sakin. Nasa tamang edad na naman na ko. Hays.
Hehe.
Anyway! Ako nga pala si Sandy Estrada. Isa akong Kinder Teacher sa isang pampublikong paaralan.
Mabait, Maputi, Matalino pero tanga pagdating sa pag-ibig, Laging nakatirintas ang buhok, Syempre... Maganda.
Haha. Pakapalan na lang ng face.
Yun nga lang, ang height ko ay di mo aakalaing pang 25 years old na, dahil parang pang elementary lang.Hahaha. 😂
Ang hard ko sa sarili ko! Pero, okay na yun di naman ako nagrereklamo sa kung ano ang meron ako. Basta ang mahalaga, nakakakain ako 3x a day at may tinutuluyan akong bahay.
Hehe.
Ulila na ko sa pamilya. Maagang nawala ang Mama ko, tapos si Papa naman kamamatay niya lang last year dahil may sakit siya sa baga at bituka niya dahil sa mga bisyo niya.
Pero, kahit ganoon? Proud ako kay Papa kasi napag-aral niya ko at nakapagtapos ako. Di ko nga lang nasuklian ng sobra sobra yung mga sakripisyo niya dahil nawala agad siya.Nang makarating ako sa Condo ni Norwin ay nagdasal muna ako... na sana, masurprise ko siya at maging makabuluhan ulit itong pagdiriwang namin ng ikalawang taon ng pagmamahalan namin.
Nandito na ko sa harap ng pintuan ng room niya.
Kinuha ko yung susi sa bag ko, kasi may duplicate sakin, ibinigay niya.
Oh diba? Ramdam ko talaga na kami na habang buhay kasi nagkakasundo at nagtitiwala na kami sa isa't isa sa mga bagay bagay.Ang babaw kong mag-isip no? Siguro ganun talaga kapag in-love. Hehe.
Nang mabuksan ko yung pintuan ay sumigaw ako agad.
" HAPPY SECOND ANNIVERSARY, BABE!"
ngiting ngiting sabi ko, pero yung ngiting yun ay napalitan bigla ng lungkot dahil sa nakita ko." Babe? Anong ginagawa mo dito?" Natatarantang tanong niya tapos ay isinuot niya yung damit niya.
Nanikip yung dibdib ko dahil sa mga nakita ko, pero pinipilit kong maging matatag at wag umiyak.
Ako yung nang surprise, pero ako yung na'surprise sa nakita ko.
Please, Sandy! Wag dito. Wag kang umiyak sa harap niya!
Ipakita mong di ka apektado! Ipakita mong matapang ka.Ilang beses ka na iyang niloko diba? Kaya manhid ka na dapat sa sakit.
Magpakatanga ka nalang ulit.
Magbulag-bulagan.Kalma lang.
" Ano ginagawa niyo? Bakit magkasama kayong dalawa?" Nanginginig ang boses na tanong ko.
" Stating the Obvious, Girl! We are making Love!" Sabi ni Rhian. Co-Teacher ko.
" Malandi ka talaga kahit kailan. " giit ko.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...