PART 29

93 4 0
                                    

ASH POV

Natapos ang play at agad kong pinuntahan sila Mommy matapos ang meet and great ng mga audience samin. Samu't saring congratulations at pagpapapicture ang inabot ko sa mga nanuod samin.

At ang isa pa sa pinagsasaya ko ngayon bukod kay Mommy, ay yung walang nangyari sakin. Baka niloloko at tinatakot lang ako ni Erika sa sinasabi niyang plano niya para ako mismo ang bumitaw kay Sandy.

Pero, ewan ko. I feel safe now. Siguro kasi masaya ako. At wala na kong pakielam sakanya dahil wala na siyang magagawa pa. Tapos na ang play. At kasabay nun, ang pagtatapos ng komunikasyong meron kami.

Agad kong niyakap si Mommy ng makita ko siya. Katulad ng inaasahan ay ki'nongratulate nila ko at saka niyakap.

Naiyak talaga ko habang nakayakap kay Mommy, kaya ng tingnan ko silang lahat ay natutuwa sila pero at the same time, nahahawa na rin sa kadramahan ko.
Lalo si Sandy na nakangiti lang sakin at kitang kita ko talaga sakanya ang saya.

" Buti nakapunta ka, Ma?" Tanong ko.

" Oo nga e. Salamat. Salamat kay Sandy dahil kung hindi dahil sakanya, hindi ako maliliwanagan at matatauhan para puntahan at suportahan ka dito." Sabi niya kaya napatingin ako kay Sandy. Ngumiti ako sakanya tapos ay nag'thumbs up lang siya sakin.

So, si Sandy pala ang may plano neto? Kinausap niya si Mommy para mapanuod ako. The best ka talaga kahit kailan.

" Ma, Thank You. Sobrang thank you."

" Basta! Ang hiling ko lang sayo, kung ano yung gusto mo... susuportahan ko kasi doon ka masaya, basta tutulungan mo rin ako sa business ha. Yun lang ang hiling ko, Anak. "

" Hayaan mo, Ma. Tutulungan kita." Nakangiting sabi ko tapos kinurot niya yung pisngi ko.

" isa pa. Wag mong iiwan si Sandy ha. Gusto ko, kayo ang magkatuluyan. Walang pwedeng humadlang." Sabi pa niya kaya natawa ko't nilapitan ko si Sandy.

" Ma, hinding hinding hindi ko po iiwan ang nag-iisang Sandy ng buhay ko." Sabay ng pag-akbay ko sakanya.

" Kuya, paano ba yan? Libre mo kami ngayon ng dinner. Ilan ba tayo?" Sabi ni Kyle tapos ay binilang niya pa kami.
" 10! Tara na sa paborito mong restaurant!"

" O sige ba. Walang problema." Sabi ko sakanila pero nang sabihin ko yun ay biglang sumingit si Direk. Nakikinig pala siya sa usapan namin.

" Oy, Ash! Punta ka sa Cast Party ha! Sama mo itong si Sandy. Hindi pwedeng absent ka doon."

" Po? Naku hindi na ho--" pagtutol ni Sandy

" Hindi, Iha. Sumama ka. Para naman makilala ka pa namin."

Di ko tuloy alam ang isasagot ko kasi, mas gusto kong kasama yung pamilya ko e, kesa umattend ng party.

" Direk kasi ano po e--"

" Naku, Anak. Sige na. Umattend na kayo ni Sandy sa party. Bukas nalang tayo mag'celebrate." Pagputol ni Mommy sa sasabihin ko.

" Oo nga, Iho. Hindi masaya ang party nila kung kulang sila doon." Segunda ni Nanay Grace kaya wala na kong nagawa kung hindi um'oo.

Buti nga't magkasundo silang dalawa ni Mommy e. Nagkausap na daw silang dalawa ayon sa kwento nilang dalawa kanina sakin. Wala naman daw kasi silang dapat pag-awayan.
Kaya, dapat daw magkasundo lang. Para naman daw matuwa ang Daddy na kahit papaano, yung iniwan niyang pamilya, masaya't magkasundo.

At ang pagkakaalam ko pa'y sa bahay namin matutulog sila Nanay Grace habang nandito sila sa Maynila. Inimbitahan sila ni Mommy. Kaya masaya ko kasi makakasama ko ang kapatid ko.

Alphabet Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon