PART 14

90 6 0
                                    

SANDY POV

Ginabi na kami ng makarating ng Cebu.
Kaya minabuti naming mamahinga muna.

Nag'book kami sa isang hotel. Noong una, ayaw ko pa pero di ko pinapakitang ayaw ko. Yung tipong sumasagot ako ng "Sige lang" pero labas talaga sa ilong ko.

Kaso, napaisip ako. Alam ko namang pahinga lang ang gusto ni Ash at sa pakuwari ko'y wala naman siyang masamang gagawin kaya kahit may hesitations ako, di ko nalang inisip.

" Mag'shower lang ako. Umorder na ko ng pagkain sa ibaba. Ikaw nalang magbayad pagdating kung hindi ko maaabutan." Saka niya ibinigay yung wallet niya sakin.

" Sige." Sabi ko naman at after nun pumasok na siya sa banyo.

Binuksan ko yung T.V saka ako nanuod.
Nilipat ko siya sa Cinema One. At ang palabas doon ay My Cactus Heart. Kung saan si Mateo Guidicelli, Xian Lim at Maja Salvador ang bida sa pelikula.

Idol ko si Maja sa pag'acting lalo na sa pagsasayaw. Isa pa... di ko pa napapanood ang movie na 'to kaya ito nalang ang pinanood ko.

At nagkataon pang parehas kami ng pangalan sa movie. Sandy din ang pangalan niya.
What a co'incident.

Tutok lang ako sa pinapanood ko. Parang relate nga ako dun sa Movie e. Which is hindi naman ako ilag sa pag-ibig pero may part sakin na relate.
Lalo na kapag nakikita ko si Mateo feeling ko siya si Ash at ako naman si Maja.

" Duwag ka palang magmahal Sandy." Sabi ni Mateo nang tangkang talikuran siya ni Maja habang nagsasayaw sila ng sweet dance.

" Sino bang nagsabi sayong mahal kita?" Sagot ni Maja kay Mateo.

Awts. Bakit ganun? Parang nasasaktan ako para sakanila.
Parang... nakikita ko yung sarili ko kay Maja hindi pa man.

" Bakit naiiyak ka dyan?" Hindi ko na namalayan ang presensya ni Ash at nagulat nalang ako ng makita ko siyang nakaharap sakin na nakatapis lang ng tuwalya.

Napatitig nalang ako sa katawan niya.

Wala siyang abs pero ang hot niya.
Napalunok nalang ako ng sariling laway habang nakatitig doon.

" Huy, Mommy! " panggugulat niya kaya natinag ako. Tumaas pa ang kilay niya nung tiningnan ko siya at ang tanging reaksyon ko lang ay

" Hehe." Saka ko binalik yung tingin ko sa T.V.

Sakto naman at patalastas kaya ang ginawa ko ay nagpaalam ako sakanya at sinabing magsha'shower muna ko kahit wala naman talaga akong balak.

Ilang beses kong pinalo ng palad ko yung noo ko dahil sa ginawa kong pagtitig sa katawan niya.

" Shet! Shet! Hindi siya kasing'hot ni Norwin pero bakit ganun? Parang gusto ko pang tingnan ulit." Sabi ko sa sarili ko habang nasa loob ng banyo.

" No! No! No! Erase! Erase! Erase! Kalma lang. Isipin mo hindi mo nakita yung katawan niya." Sabi ko habang pinapahinahon ang sarili.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong may pagkain na sa mesa. Almost 30 mins din ata akong nag'shower.

" Buti naman at tapos ka na. Halika, kain na tayo. " sabi niya. Tiningnan ko siya. Naka'sando na siya at naka boxer shorts ngayon.
Pinipilit kong wag tumingin sakanya ng diretso kasi naiilang talaga ako.

" Magsalita ka kaya? Bakit ba parang napipi ka? Don't worry wala akong masamang--"

" Hindi. Wala akong iniisip na ganun. Masama lang pakiramdam ko." Palusot ko saka ako naupo sa harap ng lamesa kung nasaan amg pagkain.

Alphabet Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon