ASH POV
" Doc, kamusta po ang kapatid ko?" Nandito kami ngayon sa ospital. Pinatingin ko sa Doctor ang kapatid ko para malaman yung lagay ng sakit niya.
Ayon sa Doctor, maaagapan pa naman daw basta maipagpatuloy nito ang treatment.
Madami pa siyang sinabi sakin pero dahil sa tuwa ko ay hindi ko na masyadong inintindi iyon.Basta ang alam ko, gagaling ang kapatid ko.
Nirecommend'an pa nga niya kami ng Doctor sa Maynila para daw mas lalong matutukan ang kapatid ko, dahil doon daw mas magagaling ang Doctor.
Gusto kong dalhin ang kapatid ko doon, pero ayaw ni Nanay Grace.
Kaya, kahit nakakalungkot, tinanggap ko nalang. Iyon nalang daw kasi ang magiging hiling niya sana." Gusto niyong mamasyal tayo?" Tanong ko sakanila.
Syempre, katulad ng inaasahan, si Leo ang unang sumagot." Sige po, Kuya! Gusto ko po kumain muna tayo sa Jollibee! Nagugutom na po kasi ako e." Saka hinimas ang mala'bola niyang tiyan.
" Kahit kailan ka talaga puro ka pagkain." Si Nanay Grace saka niyakap si Leo.
" Syempre, Nanay! Narinig ko yung sabi ni Doc kanina e. Kailangan daw po maging malusog ako para mamatay yung mga cancer cells ko." Pagmamalaki niya kaya nagkatinginan kami ni Nanay.
Nasa likod kasi sila ng kotse, tapos kami ni Sandy nandito sa harap.
" Ano nga po pala yung cancer cells?" Dagdag pang tanong ni Leo kaya nagkatinginan kaming lahat.
" Naku! Wag mo nang alamin kung ano yun. Di mo rin maiintindihan. Basta ang isipin mo, gagaling ka na. Yehey!" Si Sandy, habang tuwang tuwa tapos ay pumalakpak pa.
" Paano po kung hindi na ko gumaling? Kayo na po bahala kay Nanay ha."
" Wag kang magsalita ng ganyan. Gusto mo bang magalit ako sayo." Seryosong sabi ko kaya napayuko siya. Ayaw ko kasing nakakrinig ng mga ganon, lalo na't galing pa sakanya.
" Anak, bad yung iniisip mo. Wag kang mag isip ng ganoon, Okay? "
" Sorry po, Nay. Kuya sorry na. Wag ka nang magalit sakin."
" Sige na. Kakain na tayo." Sabi ko nalang saka ko binuhay yung makina ng kotse at umalis doon.
Kumain kami gaya ng gusto ni Leo. Di rin naman kami nagtagal tapos ay umuwi na kami. Hindi na daw kasi kaya ni Nanay Grace yung biyahe. Bigla daw siyang nahilo.
Kausap ko si Kyle sa pagkakataong ito. Sabi niya'y ba'biyahe na siya dito by tomorrow. Matatagalan pa yun panigurado.
Isang araw din ang biyahe at depende pa yun kung maliligaw ba sila sa paghahanap ng address na ito.Kinausap pa nga ako ni Mommy, kinakamusta ang kalagayan ko dito. Syempre, sinabi ko naman yung totoo. Na, masaya dito at okay naman ako.
Kinuwento ko pa nga sakanya ang nangyari kahapon. At natutuwa siya kahit papaano dahil bukod daw sa tumutuklas ako ng bagong bagay sa buhay ko, ay marunong pa daw akong makipagkapwa tao.
Naalala ko tuloy kahapon lahat ng happy moments kasama si Sandy.
Bigla tuloy akong nangiti ng di sinasadya.Di ko na ike'kwento kung ano ang nangyari, kasi alam ko naman na alam niyo na. Basta, ako? Masaya ako. Sobra.
Kinumusta pa niya ang kapatid ko sak si Nanay Grace, sabi ko nga'y kausapin niya pero ayaw niya. Wag nalang daw muna.
Syempre, hindi ko na pinilit.Nang patayin ni Mommy ang tawag ay binalak ko nang ilagay sa bulsa ko ang cellphone ko, pero di ko nagawa kasi bigla itong tumunog.
May tumatawag ulit.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...