SANDY POV
Hindi ko na inintindi ang pagkasuspindi ko sa trabaho. Ayaw ko nang isipin dahil wala rin namang mangyayari.
Tanggapin ko nalang ung parusa sakin tutal may kasalanan din naman ako sa nangyari.
" So, ano na nga kasi ang status niyo? Aminin mo na nga kasi. Kesa ganitong nanghuhula kami." Pangungulit ni Krisha sakin.
" Wala pa nga." Diin ko.
" Insan, wala pa nga. Sobrang sweet lang talaga sila. Yung magyayakapan, nagkukurutan ng pisngi, nagno'nose to nose ganun. Pero wala talagang sila." Sarkastikong sabi ni Noemi kaya napatingin ako sakanya.
" Pa'showbiz naman ang mga ito. Oy! Hindi kayo Celebrity. Kaloka." Saka umirap sakin si Krisha.
" Basta ako, support nalang kung saan ka masaya. Basta mag-ingat ka lang." Si Noemi habang nakangiti.
" Friend, kung inlove ka na. Go on. Sige na. "
" Hindi pa nga. I mean... Oo. Mahal ko na siya. Pero, ayaw ko pa. "
" Bakit naman kung ganoon?"
" E syempre... inaantay ko pa yung signs."
" Ewan ko sayo. Kapag iyang si Ash nawala pa sayo dahil dyan sa pagiging pabebe mo. Aba'y ewan ko na lang sayo." Sabi nito saka uminom ng tubig. Hindi ko na sila pinansin at dumukdok nalang ako sa lamesa.
Madaling araw na pero gising pa kami. Midnight snack daw kami kaya ayon, nakisabay na lang din ako.
Pero...
Ako? Ang dahilan ko sa sarili ko kung bakit gising pa ko, ay dahil inaabangan ko yung tawag or chat ni Ash na hanggang ngayon ay wala pa.
Malapit ng mag 2:30 pero wala pa rin.Dati rati saktong 12 tumatawag na siya.
Ano kayang nangyari doon? Saka... sabi niya din dadaan siya dito pero hindi naman.
Kinakabahan tuloy ako. Baka kung ano na nangyari doon sa lalaking yun.
Pamaya-maya ay tumunog yung phone ko. Text message galing kay Ash.
Nung binuksan ko yun ay sabi niya nasa labas daw siya.Sumilip naman ako sa bintana. May kotse nga dun. Kulay Gray.
Napangiti naman ako saka ko siya nagmamadaling binaba.Pagbukas ko ng gate ay bumungad ang napakagwapong Ash na naka'Jacket at nakasandal sa kotse.
" Akala ko di ka na dadaan." Sabi ko. Nagpipigil ako ng kilig kasi ang gwapo gwapo talaga niya.
" Tara?" Sabi niya kaya napatingin pa ko sakanya ulit nang nagtataka.
" Saan?"
" Cebu." Nang sabihin niya yun ay nanlaki yung mata ko.
Ewan ko kung bakit pero siguro sa gulat na rin.Akala ko nagjo'joke siya pero hindi pala. Totoo pala talaga.
Kinuwento niya kung bakit siya pupunta doon at nalaman kong dahil sa other family ng father niya. Gusto daw niyang tulungan at makilala ang mga ito.
Natuwa naman ako kahit papaano dahil sobrang bait naman pala talaga ng lalaking ito.
Kaya ayun!
Ending? Sasamama ako sakanya.
Nakita ko nalang yung sarili ko na nag-aalsabalutan ng gamit.Pumasok pa si Noemi at Krisha sa kwarto ko. Sinigurado kung sasama daw ba talaga ko kasi daw baka may gawing masama sakin si Ash doon sa Cebu.
Tinawanan ko nalang silang dalawa kasi alam ko naman ang ugali ni Ash. Kilala ko na siya masyado para husgahan ng di maganda.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...