ASH POV
Pinagsabihan ako ni PM. Wag ko na daw dadalhin muna dito yung girlfriend ko para di na magkagulo ulit.
Nakipagtalo pa ko, pero syempre ending yun pa rin yung naging order.Pero, kung napagalitan ako, mas napagalitan si Erika. Kung tutuusin siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Nadamay pa tuloy yung girlfriend ko.
Inis na inis talaga ko. Pero, wala akong magagawa. Ipaglaban ko man yung gusto ko, wala namang mangyayari.
" Ash. Pwedeng mag-usap tayo?" Si Erika nang matapos ang meeting namin tungkol sa nangyari kahapon.
" Ayaw kong makipag-usap." Asik ko pero sa mababang tono.
" Please. Kahit sandali lang. " pakiusap pa niya sabay hawak sa kamay ko pero mabilis ko yung binawi sakanya.
" Wala akong time. Tigilan mo na ko. " saka ako umalis at di na lumingon pa.
Nagdaan ang ilan pang mga araw at linggo. Ang naging buhay ko lang ay si Sandy at ang Rehearsals ko.
Minsa'y nagkakatampuhan kami pero mabilis din namang naaayos yun.Ilang beses na rin kaming nag'dinner sa bahay kasama si Mommy. At natutuwa nga ako dahil super close nilang dalawa. Ang pagkakaalam ko pa nga ay nagpapasama si Mommy sakanya sa salon ngayong araw.
Pero, syempre girl things yun kaya sabi ko bahala na silang mag-usap sa lakad nila.Natutuwa naman talaga ako dahil ngayon ko lang nakita si Mommy na maging masaya ulit. Given na yung maging masaya siya para sakin as Sandy is my girlfriend e. Pero yung makita ko siya na parang bumalik sa pagkadalaga niya at walang pino'problema ay talagang kakaiba. Only Sandy did that to my Mom.
Kung dati'y inis siya sa Girlfriend ko which is si Erika. Ngayon ay kita kong mahal na mahal naman nya itong bago ko. Si Sandy. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan at mahalin siya e. Kaya siguro naging close din sila agad agad.
Isa pa nga pala, yung tungkol kay Limuel ay di ko na sinabi pa kahit kay Sandy. Ayaw kong makielam kung ano man yung sakit niya.
Siya nalang ang magsabi kung gusto niya.Ilang linggo nalang din naman ay babalik na si Sandy sa pagtuturo niya. At Ilang linggo nalang ay playdate na. Ang bilis ng panahon. Sobra.
Naalala ko tuloy nung first month namin ni Sandy bilang mag'girlfriend at mag boyfriend kami, nag'date kami sa isang mamahaling restaurant at sa sobrang taranta niya ay nakabasag pa siya.
Nakakatuwa lang.
Kasi enjoy na enjoy niya talaga yung ambiance that time.Tapos lahat ng kinakain namin ay yung mga favorite niyang food.
Nagsayaw kami at sobrang saya ko that night. Para bang, akin ang mundo.
Akin ang lahat ng oras at pagkakataon.Every rehearsal ay normal lang ang pakikitungo ko sa lahat. Kung ano ako dati, ay yun lang din ang inaasta ko. Parang walang nangyari.
Pero dahil si Erika ang Leading Lady ko, wala akong nagagawa kung hindi kausapin pa rin siya. Pero, iyon ay dahil lang sa trabaho. Pag hindi tungkol doon, ay di kami nag-uusap at lumalapit sa isa't isa.Maraming beses niyang tinangkang kausapin ako pero hindi niya magawa.
Ako naman ay hinayaan ko lang ang pagkakataong magkausap kami kapag eksena, dahil alam kong ito na yung magiging huling play na makakatrabaho ko siya. Sana. Hoping ako para matapos na yung kalbaryong pinagdadaanan ko kapag nakikita ko siya.Ngayon ay breaktime. Di ko ma'contact si Sandy dahil patay yung phone niya. Ano na kaya ang ginagawa nila ni Mommy ngayon?
Sana'y okay lang silang dalawa." Pare kain." Si Harry saka tumabi sakin. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang ako sa pagpindot sa phone ko kasi tinetext ko si Sandy.
Narinig kong bumuntong hininga siya. Pero dedma lang ako. Ayaw kong makipag-away.
Hindi pa kami nagkakausap mula nung nangyari yung gulo. Nagkaka'eksena kami dahil kapatid ko siya sa play pero hanggang doon lang din.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...