PART 4

149 9 0
                                    

SANDY POV

" Goodbye Teacher! See You Tomorrow!" Sabi sakin ng napaka'cute kong estudyante. Si Anna.

Siya na at ang pinaka bibo at pinaka cute sa klase ko. Sobrang talino pa niya.

" Ba'bye Baby. Pakabait ka sa bahay niyo ha. Gawin mo yung homework mo para verygood ka bukas. Susunod ka rin kay Mommy ha." Sabi ko sakanya tapos tumango lang siya tapos ay tumakbo na siya sa Yaya niya.

Diba? Mayaman sila pero sa public school lang pinag-aral ng Mommy niya si Anna. Kasi, naniniwala daw siyang wala daw sa estado ng paaralan ang talino at karunungan ng bata.

Which is... tama talaga.

Tapos na ang klase ko. Sa umaga lang kasi ang turo ko.
Sa hapon, ibang teacher naman. Then next year, ako naman ang pang hapon.

Naikwento ko ba sainyo na may sideline din ako?
Nagtu'tutor din ako minsan. Kasi, ang boring din ng schedule ko diba? Parang part timer lang kami ni Noemi.

" Uy, Friendship. Di ba may lakad ka ngayon?" Tanong niya saka pumasok. Nagulat pa ko dahil nakasilip lang siya sa pinto nung nagsalita siya.

" Oo." Maikling sagot ko tapos ay tinulak niya ko habang kinililig kilig pa. Tiningnan ko lang siya habang nakangiti tapos ay inayos ko ulit yung gamit ko.

" Kinikilig ako! Baka siya na talaga ang forever mo! "

" Hindi. Broken hearted din yung tao. Gusto lang niyang makipagkita kasi gusto niyang magkakilala kami."

" E ganun din yun! Dun din yun papunta! Broken hearted ka! Heart Broken din siya! Malay niyo... kayo pala ang gagamot sa mga sugat sa puso niyo! Oh diba! Bongga!"

" Gaga. " saka ko hinawakan yung eraser at binura yung mga sinulat ko sa pisara.
" Kung mangyari man yun. Maninigurado na ko. Ayaw ko nang masaktan. Saka... baka mamaya, magkasakitan lang kami kasi alam mo na? Baka isa samin mahal pa yung nakaraan namin."

" May point ka. Pero, wala na namang magagawa ang puso kapag nahulog na ito, sa ibang puso."
Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi na ko sumagot pa kasi hahaba pa yung usapan.
.

Naglunch ako sa canteen. Naghihintay ako ng tawag ni Ash kasi sabi niya siya ang tatawag.

Bakit ba kasi ibinigay ko yung number ko?
Malandi na ba ako agad sa ginawa ko? Kasi... kabe'break ko lang tapos nakikipagtagpo na ko sa iba?

Hindi naman siguro. Kasi, nakikipag kaibigan lang naman ako e.

Pero bakit ganun? Nakalimutan ko talaga yung sakit at yung lungkot nung kausap ko siya. Tapos... ang gaan pa niyang kausap.
Komportable ako sakanya.

Nakalimutan ko ngang broken hearted ako e. Na... kagagaling ko lang sa break up.
Kaso... baka akala ko lang lahat yun.

Baka kasi mamaya, mahal ko pa pala si Norwin.

Haay Sandy. Tumigil ka na sa Norwin na yun okay?! Hindi mo na siya mahal!

Pero... Ano nga bang pumasok sa isip ko at pinasok ko ang bagay na to?

" Hi." Napatingin ako sa nagsalita. Umupo siya sa harap ko at inilatag doon ang pagkain niya.
Nakangiti ng malawak at wari mo'y nang-aasar talaga.

Pinepeste ata ako ng babaeng to e.

Tatayo na sana ako kasi ayaw kong makipag-away. Kaso napahinto ako kasi..

" Ang galing pala ni Norwin no? Sayang di mo siya natikman." May dating na kung anong pambibwiset na sabi niya.

Alphabet Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon