SANDY POV
Nakabalik na ako sa pagtuturo ko. Natutuwa ako kahit papaano dahil hindi ako nawalan ng trabaho sa loob ng dalawang buwan na pagkaka'suspended ko.
Pero, sa kabila ng saya ko. Nalulungkot pa rin ako dahil hindi na namin kasama si Limuel tuwing break at tuwing may mga kalokohan kaming magkakaibigan. Minsan nga'y naiisip ko na bigla nalang siyang susulpot sa bahay para mambasag ng trip naming tatlo nila Noemi e. May dala ring pagkain at pangaral samin, lalo sakin. Kaso, hindi naman nangyayari. Hindi na talaga siya nagpaparamdam.
Kamusta na kaya siya? Sana bumuti na ang lagay niya. Ang balita kasi sakin nung dalawa nung dinalaw nila ito, ay okay na ito at nakakalakad na. Kaso'y may tungkod. Syempre, unlike me... yung pakikitungo niya sa dalawa ay iba. Kaya di na ko magtataka.
At saka, nagpapatuloy naman daw ito sa treatment niya. Kaya kahit papaano ay natutuwa ako. Kasi gusto niyang gumaling.
Sana'y magkasundo na rin kami. Pero alam ko, mangyayari lang yun kung matatanggap niya na... hindi ako ang para sakanya. Sana lang ay gumaling siya kahit hindi na kami magkaayos dalawa. Yun nalang ang panalangin ko at lagi kong dalangin sa Diyos.
Tapos na ang klase ko ngayong araw. Kaya ang gagawin ko nalang ay magliligpit ng gamit ko tapos ay uuwi na rin kasabay nila Noemi. Hindi na kasi ako sa Kinder nilagay ng Principal namin kaya maghapon na ang pagtuturo ko. Dahil ako ang ginawa niyang Adviser ng klase ni Limuel.
Tinanggap ko naman yun, kasi gusto ko na ring magturo. Graduating na nga lang yung mga handle ko. Kasi, Grade 6 sila.
Naghihintay lang ako ngayon sa may labas ng gate ng may humintong kotse sa harap ko. Kulay Orange siya. Di ko naman pinansin yun dahil di ko naman kakilala yun. Imposible naman na nagpalit ng kotse si Ash diba?
Ang tagal naman kasi mung dalawa e. Uwing uwi na ko e. Kung di lang ako bumili kanina ng candy dahil nahihilo ako, di ako maghihintay dito. Ayaw ko na kasing bumalik doon sa classroom nila dahil malayo, napapagod na yung paa ko.
Sabi nila'y saglit lang pero inabot na nang santo santo." Sandy?" Tawag niya kaya napalingon ako. Pagtingin ko ay si Norwin.
" Nakabalik ka na pala sa pagtuturo mo?" Masayang usal niya pa saka bumaba ng sasakyan niya." Naku! Kababalik ko lang ng trabaho kaya layuan mo ko. Baka mamaya ay makita pa tayo ni Rhian akala na naman niya kung ano ang ginagawa natin. Ayaw ko nang ma'suspend! " bungad ko sakanya saka lumayo pa sakanya kaya natawa siya.
" Anong nakakatawa? " tanong ko sakanya.
" Alam mo, sa dalawang buwan na pagkawala mo... maraming nagbago. Anyway... di ko na pahahabain pa yung diskusyon natin kasi nagmamadali din ako." saka siya pumunta sa kotse niya at may kinuha doon.
Tiningnan ko pa siya dahil baka mamaya ay baril pala ang kukunin niya tapos papatayin nalang niya ko diba? Pero... hindi ganun ang pagkakakilala ko kay Norwin. Kahit gago yan ay di naman mamamatay tao.
" Here. My invitation. Punta ka sa wedding namin. " nakangiting sabi niya habang nakalahad sakin ang puting envelop. Inabot ko naman iyon.
" Balak ko sanang pumunta sainyo. Kaso, nagdadalawang isip ako baka kasi kako, hagisan mo lang ako ng kaldero o kaya ihi sa arinola." Saka siya natawa kaya natawa din ako.Ang luko. Grabe naman ng critical thinking ng lalaking ito.
Well, kaya ko ngang gawin yun. Pero nasa lugar naman siguro." At isa pa nga pala, Alam ni Rhian yan. Napag-usapan na namin na imbitahin ka at ang iba pang teachers dito. "
" Congrats sainyo." Ngumiti nalang ako saka ko nilagay sa bag ko yung invitation niya.
" Thank You. Don't worry. I feel susunod ka na rin next year. " saka siya nangiti.
" Anyway, Last week ng November yan. Punta ka ha. Asahan kita. Saka sana, wag mong isipin na kaya kita inimbita para asarin ha. Walang ganun. Gusto ko lang na maging okay tayo ulit. Friends kumbaga. "
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
عاطفيةSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...