PART 8

152 7 0
                                    

SANDY POV

" I'admit mo na kasi na talagang may mga tao sa mundo na kahit kagagaling lang sa break up ay mabilis ma'fall at magmahal ulit! At kabilang ka na doon." Si Krisha patungo sakin.

" Ee kasi naman. Ano ibig sabihin niya dun sa sinabi niya?"

Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin yung sinabi niya sakin last night.

Bakit gusto niyang gamitin ko siya para makalimot sa ex ko? E... nakalimutan ko na naman si Norwin.

" Ano pa nga ba? Ayon sa pagkakadinig namin ni Noemi... sabi niya payag siyang gamitin mo as boyfriend mo para makalimutan mo nga itong si Norwin! It means... okay lang sakanya maging rebound mo pansamantala."

" Oo nga. E bakit nga kaya gusto niya? Anong pumasok sa isip niya? Hindi ba niya naisip na masasaktan lang siya kung sakali?"

" Bakit mahal mo pa ba?" Diretsahang tanong niya saka niya hinawakan yung mukha ko para itapat sa mga mata niya.

" Hindi na nga! 100 percent! Kaya nagtataka ako, kung bakit naisip niya yun."

" Aba'y malay ko! It's either... gusto ka lang niyang tulungan maka'move on or talagang... may gusto na rin siya sayo." Saka siya ngumiti sakin.

Syempre..  di ko pinahalata yung expressions ko.

" Walang ganoon. Kakakilala niyo lang mahal niyo na agad ang isa't isa." Singit ni Limuel kaya napatingin kami sakanya.

Pumasok siya sa classroom saka naupo sa table ko.

" Bakit? Nainlove ka na ba para alam mo? Saka... love will exist anytime. Walang pinipiling oras yan! Meron nga isang araw palang magkakilala inlove na e. "

" In a fiction story as i know. But in a reality? Kasinungalingan."

" Ha. Ha. Ha. Bitter." Sarkastikong sabi ni Krisha dito.

" Tama na nga yan. Baka mamaya magkapikunan pa kayo."

Tapos ay inayos ko ulit yung gamit ko.

" Nga pala. Alam niyo na bang may meeting sa Friday? "

" Oo. Tungkol saan kaya?" Sagot ko naman.

" Ang balita ko magra'rumble daw ng rank ang mga  teachers from kinder to grade 6. Sana hindi ako maalis sa klase ko." Sabi ni Limuel kaya napatingin ako sakanya.

" Ano ba yan? Kung kelan August na? Saka pa naisipan? Yung principal talaga natin... panot."

Nangiti ako ng konti sa sinabi ni Krisha kasi iba yung pagkakasabi niya.
Talagang matatawa ka.

" E bakit kasama ang kinder? " tanong ko kasi mahirap sa mga bata yun lalo na't august na. Baka mahirapan silang i'adopt yung new teacher nila kung sakali.

" Hindi ko alam. " sagot ni Limuel sakin.

" SANDYYYY!" Isang napakalakas na sigaw sa labas kaya napatakbo kami para labasin siya.

Kilala ko yung boses na yun kaya nung nakasalubong namin siya pagkapasok niya sa classroom ko ay kitang kita kong hangos na hangos siya.

" Anong pinagtititili mo, bruha?" Si Krisha.

" Yung Baby mo! Yung Daddy mo! " Kinikilig na sabi niya kaya nagtaka pa ko.

Napatingin pa ko kay Krisha bago ako maglakad papunta sa labas ng classroom ko.

Daddy? Wala na si Papa. Dead na.

Paglabas ko ay parang bumagal ang mundo ko sa nakita ko.
Naglalakad siya papunta sakin. May dalang bouquet ng bulaklak tapos ay naka leather jacket pa siya.

Alphabet Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon