ASH POV
Inis na inis ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Wala man lang akong nagawa para sa sarili ko at para kay Sandy. Galit tuloy siya sakin.
Hindi niya kasi ako maintindihan sa paliwanag ko. Hindi ko naman kinakampihan si Erika! Sa totoo lang ay gustong gusto ko na syang saktan pero di ko magawa kasi siya na yung nanakit kay Erika para sakin. Para ipagtanggol ako.
At kaya ko lang siya inaawat ay para matigil na yung galit niya, dahil baka kung saan pa yun humantong. Yun lang yun. Pero... minamasama niya.
Bakit ba hindi niya ko maintindihan? Tapos ngayon... binalik pa niya yung kwintas... ibig bang sabihin noon? Ayaw na niya? Kasi may sumpaan kami doon sa kwintas na yun... na yun ang simbolo ng pagmamahalan namin.
Putsa! Ayaw kong magmura pero, Tang Ina talaga!
Kasalanan mo lahat to, Erika. Ikaw ang kailangang magbayad ng lahat ng ginawa mo sakin, samin. Humanda ka sakin.Kaya ang ginawa ko'y binalikan ko si Erika para harapin siya.
Sa pag'aakala ko'y hindi na matutuloy ang plano niyang masama laban sa relasyon namin. Nagpaka'kampante ako dahil akala ko'y tapos na. Pero, hindi pa pala. Dahil cast party pala siya aatake. Hayop ka.
Ngayon... nasira niya na kami ni Sandy. Pero, di ako papayag na doon matapos yun. Di ako papayag na magtagumpay ka.
Pagpasok ko'y nakayakap siya ng mahigpit kay Harry habang hinahaplos haplos siya sa likod ni Geraldine, tapos si Trina naman ay nakaupo lang sa kama at nagmumuni muni.
Agad ay itinayo ko siya at hinawakan ng mahigpit sa mga braso niya.
" Pare, tama na. Wag mo nang saktan si Erika." Awat sakin ni Harry pero di ko siya pinansin.
" Ano? Ha?! Magsalita ka ngayon! Masaya ka na? Masaya ka na't nagalit na sakin yung girlfriend ko!? Panalo ka. Panalo ka ngayon! Pero di ka pa tuluyang panalo, dahil kahit nanalo ka... hinding hindi mo pa rin makukuha yung gusto mo!" bungad ko sakanya tapos siya naman ay di makatingin ng diretso sakin dahil iyak siya ng iyak.
" Sor-" banggit niya
" No. Hindi mo deserved ang kapatawaran. Napakawalang hiya mo. Sarili mo lang ang iniisip mo! Sarili mo lang ang gusto mong sumaya! Sana maisip mo, yung kapakanan ng iba hindi puro sayo lang! Tandaan mo 'to, Erika... Simula ngayon, hindi na kita kilala. Wag na wag ka nang magpapakita pa sakin dahil masasaktan lang kita. " nakita ko ang itsura niya pero di ako naaawa sakanya.
" At isa pa. Kung akala mo, game over na at ikaw ang nanalo, nagkakamali ka. " saka ako tumalikod sakanila't umalis para habulin si Sandy.
Sumunod sakin si Trina at ramdam ko yun. Panay tawag niya pero di ko siya nililingon. Hanggang sa nagkasabay kami sa loob ng elevator.
" Ayusin mo kung ano man ang naginhgproblema niyo ni Sandy ngayong gabi. Wag mong hahayaang magtagumpay sa plano niya si Erika na paghiwalayin kayo. Nakikita ko... magkakasundo kayo."
" Hindi ko talaga hahayaan. Pero nanggigigil ako sa sarili ko kung paano nangyari 'to!" Giit ko.
" Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan... Yung pinainom sayo ni Lirah na alak, may pampatulog." Napatingin ako sakanya dahil sa pagtataka ko. Pano nagawa ni Lirah yun?
" Paano?--"
" Si Erika ang nagbigay nun kay Lirah pero dahil lasing si Lirah, hindi niya nakilala 'to. Nagpanggap na bartender si Erika. " explain niya.
" Pano mo alam ang lahat ng yan?"
" Si Harry. Sinabi ni Harry. Kasabwat din siya ni Erika pero kung anomang plano ni Erika wala siyang alam. At dahil nakonsensya siya, pinaalam niya samin ni Sandy kung nasaan kayo ng ex mo para iligtas ka sa masamang balak ng haliparot na yun."
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...