SANDY POV
" Sorry talaga. Dahil sakin nadamay pa kayo." Sabi ko paglabas namin ng office.
Na'suspend ako tapos iyong sila Noemi naman ay nadagdagan ng gawain at trabaho sa buhay.
" Ano ka ba? Wala yun. Kulang pa nga yung sapak at sabunot na ginawa namin dun ni Insan e." Si Noemi.
" Bakit ba kasi nakipag'rumble'lan pa kayo? Tingnan niyo nangyari? Nasuspindi kayo." Si Limuel na talagang galit yung boses niya.
" ano sa tingin mo? Tatanga lang kami at panunuorin doon si Sandy habang sinasaktan ni Rhian? " si Krisha.
" That's the point. Tingnan niyo pare-parehas kayong nabigyan ng punishments. Pati tuloy ako na umawat lang nadamay pa." Nakahawak sa noo na sabi ni Limuel kaya napatingin ako sakanya.
" Sorry ha. Di ko naman sadyang madamay ka. Sana kasi di ka nalang nakielam. Sana di niyo nalang ako pinakielaman para di na lang kayo nadamay." Inis na sabi ko saka ko sila iniwan at nagpatiunang maglakad.
Narinig ko pang tinawag ako nila Noemi pero di ko na sila nilingon.
Nagtungo ako sa classroom ko.
Niligpit ko lang yung mga gamit ko saka ako umalis ng school na yun.Nagpunta ako sa coffee shop. Ewan ko't parang gusto ko ata ng kape this time.
Bumili ako ng cappuccino saka ng piece ng cake.Tiningnan ko yung chatbox namin ni Ash pero di siya on line.
Busy 'to panigurado.Nag'text lang siya sakin kanina ng goodmorning at sabi niya kumain na daw ako tapos di na nagtext ulit.
Teka? Anong oras na ba?1 na pala. For sure nag'rerehearse na yun.
Ibinaba ko yung cellphone ko sa table tapos kinain ko lang yung cake.
Nasa ganoong pwesto ako ng biglang mag'beep yung phone ko kaya medyo nagulantang ako at natabig ko yung tinidor dahilan para malaglag ito sa sahig.
Pinulot ko muna iyon saka ko binuksan yung message.
Si Ash." Hi, Mommy. Mag'lunch ka na ha. :) dito ko ngayon sa Rehearsal Venue huhu. Kapagod. Katatapos lang ng work out namin. Pero... okay lang. Bigla akong nagka'energy nung... nagtext ako sayo. Hehe"
Bolero. Sabi ko sa isip ko habang nakangiti.
Nagcompose ako ng message saka ko yun sinend.
Nakalagay dun." Bola pa more! Haha. Sige. Ikaw man mag'luch ka na din. :) "
Tumayo ako para kumuha o manghingi ng tinidor doon sa counter.
Tapos nung pagtalikod ko, ay may nabangga akong babae.
May hawak siyang coffee at nabuhos sakanya yun." Oh MY God, Sorry Miss. Di ko sinasadya." Usal ko habang hindi alam ang gagawin.
" Tanga ka ba!" Saad niya sakin saka niya ko binatukal nung kape na hawak naman nung kasama niyang babae.
Di ako nakapagsalita. Diyos ko naman. Napaka'accident prone ko naman ngayong araw na 'to.
" Look what you did to me! Di mo ba alam kung magkano yung bag na 'to na nabuhusan mo ng coffee! At yung suot kong damit ha! Kahit buhay mo di 'to kayang bayaran!" Sigaw niya sakin saka niya ko tinulak-tulak.
" Sorry talaga Miss. Di ko talaga sadya. " sabi ko saka ko pinunasan ng tissue yung damit niya.
Nagulat nalang ako ng itulak niya ko kaya napasandal ako doon sa counter table.Susugod pa sana siya pero inawat siya nung kaibigan niya.
" Hey! Hey! Sissy tara na. Baka magalit na si Direk satin. Hayaan mo na yang babaeng tanga na yan. Nandyan na yan. Tara na. " saad nito saka hinila yung babaeng umaaway sakin. Pero, pumalag ito at tumingin muli sakin.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...