SANDY POV
Nag'birthday si Leo, at ang ginawa namin ay nag'skype kami sakanya para naman makausap at makita namin siya.
Sobrang saya ng bata. Kitang kita ko sa mukha niya yun. Pati nga si Ash sobrang saya.Nagkekwentuhan lang silang dalawa tapos ay nagtatawanan. Habang tumatagal daw, sabi ng doctor ayon kay Nanay Grace ay bumubuti ang kalagayan ni Leo.
Isang magandang balita ng araw na nagdaang iyon.Binalita pa nga samin ni Leo na siya daw ang first honor sa ikalawang markahan, kaya sabi ni Ash ay may regalo ito ulit sakanya. Kaya yung bata ay tuwang tuwa ulit.
Sabi nga ni Nanay Grace, wag masyadong i'spoil si Leo pero sabi ni Ash, okay lang yun kasi premyo niya yun para mag-aral pang mabuti ang kapatid niya.
Matapos akong ipakilala ni Ash sa Mommy niya na sobrang bait at sobrang ganda, ay heto naman kami sa loob ng kotse niya para ipakilala ako sa mga kaibigan at katrabaho niya at para panoorin at samahan na rin siya sa Rehearsal niya hanggang sa matapos ito, may usapan kasi kaming kakain sa labas mamaya.
At ako ang nagpasyang maghintay nalang sakanya. Sabi kasi niya, matapos niya akong ipakilala ay ihahatid niya ko saka susunduin nalang mamayang gabi.
Pero, gusto ko siyang mapanuod. Kaya, maghihintay nalang ako. Pumayag naman siya.Nakarating kami sa rehearsal venue nila. At habang naglalakad ay nakakapit lang ako sakanya ng mahigpit.
May mga nakasalubong pa kaming mga grupo at binati lang niya ito saka kami nagdire-diretso ulit.Nang makarating kami mismo sa loob ng theater na pinagre'rehearse'an nila. Ay may sumalubong sakanyang bading at dalawang babae.
" Siya na ba yun, Ash? Yung girlfriend mong bago? Wow ha! Kaboog! Ang pretty!" Sabi nung bading.
" Salamat." Mahinang usal ko kaya ngumiti siya sakin.
" Ahhmm.. Sandy, this is my friends... Trina, Cielo at si Lirah. Guys, Si Sandy my girlfriend." Pakilala sakin ni Ash saka niya ko inakbayan kaya ngumiti ako sakanila at ganun din sila sakin.
Nakipagkamay at binati nila ko." Mas maganda ka sa Ex niya." Sabi ni Lirah.
" Mas mukhang anghel at mabait ka pa sakanya." Si Trina.
" Basta ako... mas maganda." Si Cielo kaya natawa sila at maging ako ay ngumiti nalang.
Kalog din pala ang mga kaibigan niya.Pero-- teka lang? Wala ba siyang kaibigang lalaki? Kasi, puro babae ata yung pinakilala niya sakin? Though my lalaki, pero pusong babae.
Hindi naman ako sa naghahanap ng gwapo or what ha. Syempre, lalaki siya. Karaniwan dapat ng kaibigan niya lalaki din. Diba?Pero? Nasaan?
Aahh. Baka wala pa." Si Direk?" Si Ash patungo sa mga kaibigan.
" Nasa Backstage kausap ang mga SM." Sagot ni Trina saka tumingin sakin at ngumiti.
Yung ngiting alam mong walang ka'plastikan.Nagpaalam si Ash sa mga kaibigan niya at niyaya niya ko papunta sa Backstage.
" Oh Ashley? Bakit kasama mo ang Yaya mo? Diba bawal ang stranger sa rehearsal?" Sabi ng isang lalaking may kagwapuhan at kalakihan ng katawan, pero sa tingin ko ay masama ang ugali. May kasama pa siyang dalawang lalaki.
Teka? Ako? Yaya?
Aba'y gago ba 'to?Saka... bakit Ashley ang tawag nila kay Ash?
Mga gago ba sila?" Oo nga naman Ashley. Sino ba yan?" Tatawa tawang sudlong na tanong nung isang singkit.
" Pre, tingnan mo. Magka'holding hands. Baka hindi niya Yaya, baka bagong Jowa niya." Sabi naman nung isa saka iyon binulong dun sa lalaking malaki ang katawan. Pero kahit bulong iyon, dinig ko.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...