ASH POV
Nagising ako ay wala na sa tabi ko si Sandy. Kaya ang ginawa ko ay nag-inat ako at kinuha ko yung phone ko.
10:30 na pala. Bakit hindi ako nagising?
Naghikab pa ko saka tumayo at nagligpit ng pinaghigaan ko.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko siyang naghahanda ng pagkain sa lamesa. Mag-isa lang siya.
Ewan ko. Pero, bumagal yung ikot ng mundo ko.
Feeling ko ba'y mag-asawa na kami at ang ginagawa niya ngayong pagsisilbi sakin ay isang obligasyon bilang aking katipan.Yung pakiramdam ko ngayon ay para bang may musika sa paligid na ako lang ang nakakarinig.
Siguro'y kung nasa pelikula ako? Nalapatan na ang scene na ito ng magandang love song para kiligin ang manunuod.
Kaso, wala ako sa pelikula." Oh? gising ka na pala? Halika. Tulungan mo ko. Umalis lang saglit si Nanay Grace para sunduin si Leo sa eskwela."
Lumapit ako sakanya habang ang tuwalya ay naka sabit sa batok ko.
Humawak ako sa lamesa saka ako tumitig sakanya. Basta. Nakatitig lang tapos blanko yung facial expression ko.
Napataas pa siya ng kilay sakin saka medyo nag'smirk.
" Grabe makatitig?"
" Iniisip ko kasi... paano kung ikaw ang maging asawa ko? Would you do the same thing like that?" Saka ako nangiti ng binitawan ko ang salitang yun.
Tumalikod siya agad sakin tapos ay hindi nagsalita. Pinagmasdan ko lang siya.
Hindi ko alam kung anong ekspresyon niya.
Basta ang alam ko lang, twing kausap ko siya at nakatitig ako sakanya ay kinikilig siya.Pansin ko yun. Dahil madalas din ay namumula ang mga pisngi niya.
" Tumigil ka nga." Pilit ang boses na sabi niya kaya lumapit ako sakanya.
Niyakap ko siya at ipinatong ang baba ko sa braso niya.
" I need your answer."
" Tse. Manahimik ka. "
Hindi na ko kumibo dahil dumating sila Nanay Grace.
" May Star po ako, Kuya Ash saka Ate Sandy!" Pagmamayabang ni Leo ng pumasok siya sa loob ng bahay.
" Wow. Nice! Nice. " sabi ko saka ko siya nilapitan.
" Very Good naman pala. Dahil dyan? May regalo sayo si Kuya Ash Mamaya." Sabi ko." Ano po yun?"
" Syempre secret muna. Kumain muna tayo ng niluto ng Asawa ko--- este ng Ate mo pala." Pananadya kong sabi kaya narinig ko pang ngumisi si Nanay Grace.
Kumain lang kami.
Hindi nga ako makapaniwala na si Sandy pala ang nagluto ng ulam namin ngayon e.
Akala ko, hindi siya sanay magluto, pero sanay pala.Wala namang pasok si Leo sa hapon dahil Kinder pa lang siya.
Kaya ang nangyari ay naglaba si Nanay Grace.
Tinulungan naman siya ni Sandy.Ayaw pa ni Nanay Grace noong una pero napapayag din siya nang kakulitang taglay ni Sandy.
Nandito lang ako sa ilalim ng puno ng mangga. May mahabang upuan akong inilagay dito para makatambay habang naglalaro sa Tablet ko.
Nakatulog kasi si Leo kanina pagkatapos kumain.
Hindi naman ako makasali sa paglalaba nung dalawa kasi, nakakahiya di ba?
Saka... hindi ko naman forte iyon. Ang maglaba.
Though... kaya ko. Pero, nakakahiya pa rin.Ang kwento ni Nanay Grace kanina ay naikwento na niya kay Leo ang lahat at maliwanag na ito sa bata. Pero, hindi ko pa nakakausap ang kapatid ko tungkol doon.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...