SANDY POV
" So ano na ang status niyo? Bakit ka makikipaghalikan kay Ash? May nangyari na ba sainyo? Ano? Magsalita ka!" Sunod sunod na tanong niya na wari mo'y interesadong interesado talaga pero yung pangangamba ay nasa boses niya.
" Pwede ba isa-isa lang?" Sagot ko naman. Parang inbestigador ang lintek.
" Sige. Magpaliwanag ka." Saka siya umupo sa upuang nasa harapan ko. Nandito na kami sa bahay.
Nasa loob kami habang yung dalawang magkapatid ay nasa labas ng bahay at kausap si Leo.Ewan ko ba. Sa dami dami ba naman ng taong pwedeng magtagpo tagpo, bakit yung kapatid pa ni Ash at itong si Noemi.
Nagulat talaga ko dahil pagdilat ng mata ko ay siya ang nakita kong tumawag sakin.
Di ko expected." Ano na?" Tawag niyang muli sa atensyon ko.
" Umamin na ko sakanya, umamin na siya sakin. Mahal namin ang isa't isa pero wala kaming label. Girlfriend niya ko Boyfriend ko siya pero pormal pa rin siyang manliligaw sakin. Pero wala pang nangyayari samin. Gets?" Paliwanag ko.
Akala ko ay magagalit siya dahil pumayag ako sa ganoong set-up, pero nagulat ako sa reaksyon niya dahil may paghampas at pagsabunot pa siya sakin habang kinikilig.
" Nakakainis ka! " usal niya.
" Aray ko naman!" Angal ko.
" Bakit ka ba kasi nandito." Inis na tanong ko." Abay malay ko na dito ko dadalhin ni Kyle kung nasaan kayong dalawa. Wala naman akong ideya na magkapatid pala sila ni Ash. Saka, ayaw mo nun! Happy happy lang tayo dito!" Sabi niya.
" Kung sabagay.. pero paano ka napunta dito e may trabaho ka diba?" Tanong ko.
Pinaliwanag naman niya lahat sakin. At ayon sa pagpapaliwanag niya, nauto niya yung principal namin.
Sabi daw kasi niya may emergency sa probinsya nila kaya pinayagan siya ng 1 week.Binabawalan pa nga daw siya ni Krisha, pero syempre gusto daw niyang makasama si Kyle. Kaya ayon, wala din daw nagawa si Krisha.
Nangako naman daw si Limuel na siya muna ang bahala sa estudyante niya kaya, kampante siya.Nakahanap na din daw ng subtitute ang principal sakin.
Nalungkot tuloy ako, baka kasi mamaya ay wala na kong balikan doon.Marami na raw nangyari sakanila noong wala ako sa Maynila. Masasaya at malulungkot daw.
Kinuwento pa niya na si Limuel daw ay galit na galit noong nalamang sumama ako kay Ash.Ewan ko kung bakit pero ang paliwanag ni Noemi sakin, ay nag-aalala daw.
Nakaramdam tuloy ako na parang may mali sa inaasta niya.
Hindi kaya?" Kwentuhan mo naman ako ng mga pinaggagagawa mo dito sa loob ng isang linggo, kasama si Ash. " excited na pagpipilit niya.
Wala naman akong nagawa at kinuwento ko sakanya lahat. Kilig na kilig nga siya nung kinuwento ko yung sa bukid e.
Pero binatukan niya ko nung sinabi kong naglasing ako, dahilan kasi noon ay... may nabasa akong message galing kay Erika. Di ko naman talaga sadyang mabasa yun. Umilaw lang talaga yung phone ni Ash nung gabing yun kaya napatingin ako. Then nabasa ko nga yun... gustong makipagbalikan ng Ex niya.At dahil doon sa paglalasing ko, accidentally kako na naganap, ay hinalikan ko si Ash sa harap ng mga kainuman naming ka'age din namin at kinantahan ko pa kako si Ash, which is hindi ko talaga alam at matandaan... lalo na yung umamin ako sakanya na mahal ko siya.
" Ikaw na ang mahal. Wala ka nang dapat ipangamba." Payo pa niya kaya napangiti ako.
Tama naman siya doon, pero ayaw kong magpakakampante." Tinigil ko na rin yung signs. " dagdag ko pa kaya napatingin siya ng diretso sakin.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...