ASH POV
Nandito ako ngayon sa bahay ni Sandy. Maaga akong gumising dahil gusto kong bumawi.
Dumalaw ako sakanila.
Hindi na ko nakapag chat kagabi sakanya dahil paghiga ko sabi ko'y iidlip lang ako pero nagdiretso yung tulog ko. Siguro dahil sa pagod at dahil na rin sa dami ng iniisip ko kagabi.At dahil sabado naman ngayon, walang pasok si Sandy, at ako naman ay mamayang ala una pa ng hapon ang rehearsal... kaya napagpasyahan kong...
Magluto ng breakfast at ipagdala siya sa bahay niya para makakain din kami ng sabay. ☺
Nagluto ako ng Adobo saka mga fried rice, hotdogs, bacon and eggs. Tapos nag'bake ako ng Cookies.
Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin yung nangyari kagabi. Yung sinabi ni Mommy. Pero, ayaw ko siyang problemahin as much as i can.
I want to spend my time na kasama si Sandy.
" Ang lalim naman ata ng iniisip mo?" Seryosong Tanong ni Sandy sakin pero nginitian ko lang siya.
Kasama namin sa hapag ang dalawang kaibigan niya. Buti nga wala dito yung epal na Limuel na yun e.
Akala naman niya, aatras ako sa ginagawa ko para kay Sandy.Luko luko ata.
Pinagbabawalan niya ko at pinapatigil na sa panliligaw ko kay Sandy kung iyon man daw ang ginagawa ko sa kaibigan niya.Wtf!
Ngayon pa ba ko hihinto kung kelan alam ko na yung importansya niya sakin? Kung kelan mahal ko na talaga siya?
Hindi ako tanga.
Hindi ko na pakakawalan si Sandy dahil kakaiba siya. Alam kong hindi siya yung klase ng babae na mang-iiwan at manloloko.If i know... base on what i see and what i feel.
May gusto siya kay Sandy. Kaya ganun nalang siyang umasta.Paano ko nalaman?
Umpisa palang na nakita ko siya alam ko na. The way he act. The way he speak. The way he look at me and kay Sandy, It's obvious. Everything on him was Obvious na may gusto talaga siya.And one more thing, lalaki ako. Kaya ramdam ko siya.
Ramdam kong may gusto siya pero di niya masabi dahil natatakot siya. Natatakot syang ma'friendzone." The best adobo ever!" Si Krisha.
" Oo nga! sino nagluto nito? Ang sarap ha." Si Noemi. Di ko alam kung pambobola lang ba yun o totoo talaga.
Pero... di ako maniniwala hanggang hindi si Sandy yung nagsasabi. Haha.
Kanina pa rin kasi siya walang imik." Ako ang nagluto niyan." Sabi ko sakanya tapos ay napanganga siya saka niya hinampas si Krisha.
" Aray ko! Kung ikaw kaya ang sinusuntok ko?" Tanong niya rito kaya medyo natawa kami ni Sandy. Magkatabi kasi kami ngayong dalawa at kaharap namin yung dalawa.
Tiningnan ko siya at parang wala talaga siya sa mood. Tatanungin ko sana siya kaso'y nagsalita si Noemi kaya nabaling ang atensyon ko sakanya.
" Pero, seryoso Ash! Masarap yung adobo mo! Masarap din yung cookies mo pero... May kalasa siya e. Parang natikman ko na siya dati. Kakaiba yung lasa e. " napapaisip na sabi niya.
" Imagination mo lang yun! Wala namang magluluto sayo ng ganyan dahil wala namang nanliligaw sayo." Banat ni krisha.
" At sayo? Meron? Unbelievable!"
May naalala tuloy ako.
May isang araw kasing nagpa'bake sakin si Kyle ng Cookies at Brownies. Babaunin daw niya para di na siya bumili. He saves money daw kasi dahil may bibilhin siya at ayaw niyang humingi kay Mommy.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...