ASH POV
Nasaktan ako sa nakita ko. Sobra.
Ano? Anong dahilan at karapatan nila para magyakap dalawa? Sila na ba? Pinagpalit na ba niya ko? Nang ganoong kabilis?Tang Ina! Pinatigil niya ko para lang mapagbigyan niya si Limuel? Ganoon ba yun?
Pota!
Ano bang mali? Lahat ginawa ko na. Pumayag ako sa gusto niya pero di ko kaya, kaya ang ginawa ko'y pumunta sakanila para kausapin siya ulit pero ang nadatnan ko ay magkayakap silang dalawa.
Para kong gago. Para kong tanga na hahabol habol sa babaeng mahal ko, pero may iba na palang gusto.
Sa sobrang galit ko ay mabilis akong umalis doon at dumiretso ako sa isang bar.
Hindi ko gawaing uminom, pero gusto ko lang may pagbuhusan ng galit ko.Umorder ako ng isang bucket at saka ko tinira ang mga alak na yun mag-isa.
Inutos din ni Mommy na makipag-ayos ako kay Sandy. Pero, wala na atang pag-asa.
May mahal na siyang iba.Ganoon nalang ba ako kabilis palitan? Kalimutan? At iwan?
Sa isang pagkakamaling hindi ko naman gustong mangyari ay mababago nalang lahat ng nararamdaman niya para sakin?Ayaw kong sumuko pero binibigyan niya ko ng dahilan para sumuko.
Nag'sorry rin sakin si Lirah kinabukasan ng pangyayari at pinatawad ko naman siya dahil wala naman talaga siyang kasalanan doon.
Biktima rin siya.Hayop ka talaga Erika. Hayop ka. Hinding hindi kita mapapatawad.
" Ash." Nang lingunin ko siya ay nakita ko kung sino siya. Si Harry.
" Hindi ko na tatanungin kung anong problema mo dahil sigurado kong alam ko na. " hindi pa rin ako nagsalita.Hindi ako galit sakanya. Sadyang ayaw ko lang magsalita.
" Alam mo? Ang dami kong napagtanto nang mangyari yung plano ni Erika. Napagtanto ko na, hindi ko na pala talaga siya mahal. Na ang tanga tanga ko lang dahil naging sunud-sunuran ako sakanya. Sorry rin kasi, naging isa ako sa plano niya pero wala akong kinalaman sa gusto niyang gawin--"
" Alam ko. Narinig ko kayo na nag-uusap nila Kurt sa banyo noon. Kaya naniniwala akong wala kang alam." putol ko sa paliwanag niya.
" Sorry, Pare. "
" Wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang."
" Pero dahil sakin---"
" Kung hindi dahil sayo, baka natuloy ang balak ni Erika. Pare salamat. Salamat dahil ikaw ang naging tulay para maligtas ako sa plano niya kahit papaano."
" Wala yun. Ginawa ko lang yung tama. " sabi niya pero di na ko magsalita at tinuloy ko lang yung pag-inom ko. Inalok ko siya at kumuha naman siya.
" kaya ka ba nandito at karamay ang mga boteng yan dahil hindi pa rin talaga kayo magkayos ni Sandy?"" Hindi pa. Nakipaghiwalay siya sakin." Sagot ko.
" Habulin mo pare. Wag mong hayaang mawala sayo ang babaeng yun. Mahal na mahal ka niya. "
" May iba na siya." Pilit ang ngiting sabi ko sakanya. Mangiyak ngiyak na ko.
" Agad? " tatawa tawang sabi niya kaya napatingin ako sakanya.
" Pare, mahal ka nun. At naniniwala akong hindi niya magagawang palitan ka agad."" Kayakap niya yung lalaking patay na patay sakanya nang makita ko sila kanina."
" Ahh. Kaya ka naglasing ngayon? Bakit? Nasisiguro mo ba na sila? Na may relasyon sila? Katulad mo, nasaktan din yun. Malay mo, kinomfort lang."
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...