SANDY POV
Magkasama kami ngayon ni Ash. Nandito kami sa may luneta at palakad lakad.
Kanina lang ay nagkekwento siya tungkol kay rizal e madami din akong alam dun kaya nagkaroon kami ng question and answer portion.
Attach na talaga kami sa isa't isa kahit sa cellphone at chat lang kami madalas nagkakausap.
" Gusto mong Ice Cream?" Tanong niya sakin.
" Sige lang." Pagkasabi ko noon ay tumakbo siya. Tapos ay bumili doon sa mama.
May nakita akong upuan sa gilid kaya naupo muna ako doon.
Madaming tao sa paligid. Mga bata. Mga vendor. Couples. At kung ano ano pang uri ng tao.
Pinagmasdan ko siya. Nakita ko yung binayad niya sa matana is 1,000 pero hindi niys kinuha yung sukli.Nagpatay malisya nalang ako. Kunwari wala akong nakita. Ayaw ko namang magtanong kasi baka mamaya e sabihin pa nito, tsismoso ako.
" Here your ice cream." Inabot ko naman yun tapos ay naupo siya sa tabi ko.
Tiningnan ko siya pero wala siyang ice cream." Hindi ka bumili?" Tanong ko.
" Masisira yung boses ko. Mapapagalitan ako ni Direk." Sabi niya nang nakangiti sakin.
" Oo nga pala." Sabi ko nalang. Naalala ko nga pala na may play nga pala silang musical. 'Ibong Adarna The Musical.'
Pero kung ganoon? 20 pesos lang ata ito e.
Bakit hindi niya kinuha yung sukli?Hay ewan.
" Salamat nga pala ulit at pumayag kang magkita tayo. "
" Ano ka ba? Wala yun. Ngayon na lang naman ulit mauulit e. "
" Mauulit pa 'to." Bulong niya. Hindi ko masyadong naintindihan kasi mahina. Sobrang hina.
" Ha?"
" wala. Nga pala... kamusta na kayo ng ex mo?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya.
Lagi niyang tinatanong yung Ex ko. Sabi ko naman na wala na ko paki dun e.
" Wala na nga akong pakielam dun. Nakalimutan ko na siya. Nakikita ko sila ni Rhian pero, wapakels lang. Ikaw? Kamusta kayo nung ex mo?"
" Kinalimutan ko na din siya."
" Naging madali lang sayo? I mean... sabi mo kasama mo siya sa trabaho mo tapos... leading lady mo pa siya sa play niyo."
" Oo naman. Madali lang. Kasi... bakit mo pa iisipin na mahal mo siya kung may mahal na naman siyang iba. Saka... Feeling ko kasi... may iba na kong gusto."
Nang sabihin niya yun ay natigilan ako. Napatingin ako sakanya. Nakatingin siya sakin.
Di ko alam ang magiging reaksyon.Lintek. Kinikilig ata ako.
Ako ba yun?Teka! Wag kang umasa! Malay mo hindi ikaw! May signs ka pang hinahanap!
" Sino naman?" Tanong ko nalang.
Ngumiti lang siya sakin tapos kinuha niya yung panyo niya sa bulsa niya. Akala ko kung ano ang gagawin niya. Pero nagulat ako ng hawakan niya yung baba ko tapos ay pinunasan niya yung labi ko.
" Ewan ko ba. Basta alam ko... Mahal ko na siya. Teka? Gusto mo bang magpunta ng star city ngayon? Tara? Libre ko."
" Wag na. Nakakahiya na e. Saka dito nalang tayo..."
" Sakin ka pa nahiya? Tara na. Gusto ko lang sulitin yung araw na kasama kita ngayon. Please." Pagmamakaawa niya sakin.
Wala na kong nagawa. Nakita ko nalang ang sarili ko na nandito kami sa loob ng star city.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...