ASH POV
Hi! Ako nga pala si Ash. Hindi ko siya tunay na pangalan pero, yan na yung nakasanayang itawag sakin. Saka, mas gusto kong dito ko tinatawag kesa sa totoong pangalan ko.
It's sounds like a Gay name nga lang... short for Ashley... but, i'm not a gay. Haha. Gusto ko lang maging klaro. Lalaki po ako. Okay? Haha.
Ayon!
Ang tunay kong pangalan is...
Aldrian Samuel Hipolito. Samuel ang palayaw ko mula pagkabata, pero nung nag highschool ako, naisip kong ibahin yung nakasanayang pangalan sakin.Kinuha ko yung mga first letter sa names ko tapos yun yung nabuo. A-S-H.
Ang astig lang para sakin. Love ko kasi ang mga letters.Kaya ayoon! Yun na rin yung naging tawag nila sakin.
25 years old na ko. Isa akong Theater Actor. Madami na kong napatunayan sa buhay ko tungkol sa talents and sa kakayahan ko.
Hindi man support si Mommy sa nakuha kong kurso at sa trabaho ko ngayon, ay proud naman ako sa sarili ko kasi nagagawa ko yung gusto ko. Ang magperform sa harap ng mga tao at makatungtong sa entablado habang pinapalakpakan.I'm not a perfectionist when it comes of acting or performing. Pero ito talaga yung gusto ko. Kaya kahit hindi perpekto yung ginagawa ko, basta isinasapuso ko napapaganda at nabibigyang buhay ko yung mga characters na naibibigay sakin.
Tatlo nalang kaming natitira as a family. Ako, si Mommy at si Kyle, nakakabatang kapatid ko.
Iniwan na kami ni Daddy dahil sa isang car accident.Kasama niya kami ni Kyle nun, dahil katatapos lang ng last show ng play ko nun, kung saan ako yung isa sa mga bida, kaya sabi ni Daddy iti'treat niya daw ako para premyo ko dahil nakaraos na naman ako ng isang production at napaghusayan ko na naman daw ang role ko as Florante.
Florante't Laura kasi yung play sa isang sikat na theater company.Si Daddy at Kyle lang kasi ang naka'support sakin mula nang maging mundo ko ang teatro. Si Mommy, ayaw niya. At alam kong wala ng pag-asa. Kasi ang gusto niya, maging abogado ako. It's a NO.
Alam ko rin kung gaano ka'proud sakin si Daddy dahil wala pa siyang napalagpas na event o play na isa ako sa mga actor. Even, ensemble lang ako, bida, or supporting lang. Lagi siyang nandyan.
Tapos.. ayon... tuloy ko lang yung kwento ko ha...
habang nagda'drive si Daddy papunta sa paborito kong restaurant ay nagkakantahan lang kami nun. Tanda ko, masaya kami. Tapos bigla nalang may bumanga sa kotse namin. Isang Van. Napakalakas nang pagkakabangga niya samin kaya nagdugo pa yung noo ko dahil sa lakas ng pagkakauntog ko.Akala ko, mamamatay na ko nun. Tapos, narinig ko yung kapatid ko umiiyak at tinatawag si Daddy. Nang makita ko si Daddy may nakatusok ng tubo sa dibdib niya.
Hay. Ayaw ko na ngang balikan. Baka maiyak lang ako.
Tatlong taon na ang nakaraan. Pero para sakin, sariwa pa yung nangyari." Kuya? Wala ka bang lakad ngayon? Rehearsal?"
" Wala. Bakit?"
" Basket tayo?"
" Alam mong hindi ako naglalaro. Hindi ako mahilig sa sports. Iba nalang yayain mo." Sabi ko saka ako umalis.
Ewan ko. Mainit talaga yung ulo ko ngayon.
Gusto kong makalimot.
Gusto kong mapag-isa.Nakakabangot lang. Ikaw ba naman kasi yung hiwalayan ng Girlfriend mo. Tapos alam mong mahal mo pa siya pero siya, hindi ka na mahal.
Tapos... nakakasama mo pa siya sa trabaho.
Diba? Ang Awkward. Sobra! Dahil yung nire'rehearse naming play ngayon ay kaming dalawa pa ang napiling bida.Sabay kaming nag'audition. Tapos parehas kaming natanggap.
Sinubukan kong makipagbalikan, pero ayaw na niya. Wala akong ginawang mali o masama. Basta ang sabi niya. Sawa na siya. Ayaw na niya.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...