SANDY POV
" Hindi mo naman ako ginising ng na'meet ko yung guy! Kaimbyerna ka!" Si Krisha.
Nandito kami ngayon sa Mall. Hinintay ko siya hanggang sa matapos yung klase niya, kasi nagpapasama siya sakin bumili ng bagong cellphone.
Kinuwento ko sakanya yung nangyari kagabi at kilig na kilig siya. Ewan ko ba. Wala namang dapat ikakilig pero di ko maintindihan sa sarili ko kung bakit may parte sakin na kinikilig din.
Ang gwapo niya sa personal sobra. Ang bait pa! Ang gentleman! Basta... lahat ng wala si Norwin! Nakita ko sakanya! Though... first meet up palang, kaya siguro ganun? pero ewan ko ba...
Haay. Pinipigilan ko lang yung sarili ko kagabi pero ang totoo kilig na kilig na ko.
Di ko alam kung tama yung ina'act ko dahil wala pang week na break kami ni Norwin tapos ganito na yung inaasta ko.
Pero... masaya lang naman ako e. Di naman siguro masama yun." Gigisingin pa ba kita? E nainis na rin ako ni Limuel kagabi kaya dumiretso na ko sa kwarto ko. "
" Bakit naman daw?"
" Ewan ko ba dun. May sayad na ata sa utak ang isang iyon at parang tatay ko na pinagalitan pa ko kagabi."
" Baka naman kasi nagseselos?"
" Ewan ko sayo." Sabi ko saka kami nagpatuloy sa paglalakad.
" saka... Imposible naman yun. Kaibigan lang ang tingin ko sakanya."" E paano nakauwi yung tao?"
" Alam ko nagising si Noemi. " sagot ko naman.
Nang di nagtagal ay nagpunta kami sa food court. Nagugutom na daw kasi siya. Siya naman ang nanlibre sakin. Burger saka Potato madness tig isa kami.
" Ano pa nga pala nangyari?" Tanong niya ulit.
" Wala na. Yun lang. Kumain lang kami tapos, nagkwentuhan ng kaunti. Tapos hinatid na niya ko."
" Yun lang? E ano pa napagkwetuhan niyo?"
" Tungkol lang sa buhay buhay. Saka... nagkakahiyaan pa kami siguro."
" Pa'tweetums pa kayo. Uy! Anong taon na! Di na uso ang chuvachuchu ni Jolina Magdanggal at saka sharamdaram ni Donna Cruz!"
" E gaga ka ba? Syempre parehas kaming galing sa break up. Syempre mangangapa pa kami"
" Ay! Yan ang gusto ko! Kapaan!" Sabi niya saka tumawa.
" Luka! Bastos ng isip mo! Ang ibig kong sabihin, nagkakailangan pa ganun. " paliwanag kong mabuti. Kahit kailan talaga ang babawng ito. Wala nang naisip na mabuti.
" Hahaha. Ikaw bastos mag isip e. Wala naman akong sinasabing ganoon!" Tatawa tawang sabi niya kaya napailing nalang ako.
Kumagat ako ng burger tapos ay nagsalita ulit siya habang may laman ang bibig.
" Nga pala! Tinext ka na ba niya?"
" Hindi."
" Tinawagan?"
" Hindi rin."
" Chinat?"
" Hindi naman kami friend sa Fb e."
" E gaga ka ba! Akin na nga yang cellphone mo! May free wifi dito alam ko. I'add mo siya! "
" Gaga! Nakakahiya!" Sabi ko tapos nagulat nalang ako kinuha niya yung phone ko sa bag ko.
Wala na kong nagawa." I'aadd mo lang naman e. ang arte arte mo.!"
" Baka kung ano isipin nun."
" Hayaan mo siyang mag-isip! Kaloka!"
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...