PART 10

125 7 0
                                    

SANDY POV

" Kamusta? Nakakailang letters ka na?" Si Noemi habang umiinom ng kape.

" Dalawa. " sagot ko habang ka'chat si Ash. Pauwu palang daw sya. Kakatapos pa labg ng rehearsal niya.

" Ha? Ang bagal naman?" Gulat na tanong nito sakin.

" Sabi mo kasi everyday."

" Gaga! Wala ata akong sinabi! Kahit sa isang araw pwede yung tatlong letters or more basta mae'express mo yung feelings mo sa mga mangyayari kapag kasama mo siya ganern!" Salaysay pa ni Noemi saka niya inagaw sakin yung notebook.

Binuklat niya yun saka nagbasa

" A- Ash stands for Aldrian Samuel Hipolito
B- Bagabag.
Sandy what is this? Anong bagabag? Saan ka binabagabag?" Tanong nito.

" Akin na nga." Agaw ko saka ko siya inirapan.

" Umamin ka sakin. Tumingin ka sa mga mata ko. Mahal mo na talaga no? Pakipot lang yang feelings mo." Hindi ko siya pinansin at nagpawala lang ako ng buntong hininga.

Iniwan ko siya sa kusina pero sinundan pa rin niya ko.
Ang kulit naman netong babaeg 'to.

" Uy, Bruha ka, I'm talking to you. Inlove ka na ba ulit?" Medyo mapangasar na sabi niya.

" In'love kanino?" Pagtingin ko sa nagsalita ay si Limuel pala.

" Oy. Ikaw pala. Para ka namang kabute. Pana'y sulpot." Si Noemi na tila ba parang sarkastiko ang tono.

" Ano na naman ang pinag-uusapan niyo? " tanong niya pero walang nagsalita. Nagtinginan lang kami ni Noemi.
" Anyway, May dala akong Palabok saka Ice Cream. Tara kain tayo." Anyaya niya saka pumasok sa kusina.

Wala na kong nagawa. Hindi ko naman siya pwedeng awatin o pagbawalang pumasok sa bahay ko kasi, kaibigan ko rin siya kahit papaano. Kahit badtrip pa ko sa ginawa niya kay Ash nung kahapon.

Aalis na sana ko sa kimatatayuan ko ng mag'ring yung phone ko.

Si Ash. Tumatawag.

Nangiti naman ako. Basta. Nasanay na kong lagi siyang tumatawag at lagi ko siyang kausap.
Inayos ko muna yung hibla ng buhok ko na humarang sa mukha ko, saka ko iyon sinagot.

" Hello?"

" Hi, Mommy. Nandito ko sa labas ng house niyo. Labas ka bilis." Sabi niya kaya kahit gulat sa narinig ay mabilis akong sumilip sa bintana.

Tapos nakita ko siyang nandoon. May dalang flowers at kumakaway sakin habang ang cellphone niya ay nakaipit sa tenga't balikat niya.
Ang dami kasi niyang dala.

Bumaba ako at pinapasok ko sya sa loob ng bahay.
Ewan ko ba't bigla na naman akong sumigla. Bigla na naman akong sumaya.

" Gabi na ha. Bakit nadaan ka pa?" Tanong ko saka ko siya inabutan ng juice.

" Gusto ko kasing makita yung Mag-ina ko." Nakangiting sabi niya. I don't know what to say and what to react this time kaya ang ginawa ko ay tumalikod ako saka ko sinabing kukunin ko yung piggy sa room ko.

Hindi talaga ako makahinga dahil sa kilig.

In love na nga ata talaga ako sa taong ito. Bakit ngayon ka lang kasi. Kainis ka.
Pero... di ako aamin. Tatapusin ko yung Signs. Okay?

Kinuha ko yung notebook ko saka ako nagsulat doon.

Letter C - Chocolates
He gave me a three kinds of Chocolates. Toblerone, Ferrero at Hersheys.

Ang sweet lang niya. Sobra. Feeling ko tuloy prinsesa ko ngayon.

Sabi naman ni Noemi, hindi naman daw required na daily yung signs... so?
May letter D at E na rin ako and i think hindi lang ngayon mangyayari yung letter E na 'to kasi nakikita ko sakanya na ganitong klaseng tao talaga siya.
Taglay na talaga niya 'to para mapasaya ko.

Alphabet Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon