SANDY POV
Makapananghali na nang mag-umpisa kaming maghanap doon sa address na binigay sakanya ng Mommy niya.
Pinatulog niya muna kasi ako kaya natulog muna ko. 9 na ko nagising kaya 11 na din kami nakaalis.
Drive lang siya ng drive tapos hihinto paminsan-minsan para magtanong tanong.
Tahimik lang ako sa buong biyahe namin. Isang tanong isang sagot lang.
Naiilang pa rin talaga ako. Ang dami ko nang bagay na nagagawa na sobrang nagpapa'obvious sakanya.Oo. Mahal ko na siya. Maha na mahal. Kung bakit?
May mga rason. Pero di ko kayang ipaliwanag. Basta ang alam ko lang...Mahal ko na siya sa maikling panahong nagkakilala, nagkausap, at nagkasama kami.
" Nagugutom ka ba? Ayon oh may karinderya kain muna tayo gusto mo?" Tanong niya sakin.
" Busog pa ko e. "
" Well ako gutom na. Kaya.. sa ayaw at gusto mo kakain tayo. Tara. " sabi niya at inihinto ang kotse niya sa gilid ng kalsada.
Kakaiba pala dito. Ang daming puno. Talagang probinsya ang dating.
May nakikita pa kong mga tanawin na bundok sa malayo.Bumaba kami parehas at nagpunta doon sa loob ng karinderya. Medyo marami yung kumakain puro sila construction workers kaya dito lang kami umupo sa bungad.
Para hindi rin mawaglit yung kotse niya. Di kasi namin kabisado dito di ba? Mahirap na.Siya ang umorder. Sinigang na baboy saka Pork Steak. Pinapili niya ko, sabi ko yung sinigang nalang.
Hehe.Kaya ayun. Kumain kaming dalawa. Dalawang rice nga yung inorder niya sakanya at gutom na gutom daw siya e.
Sabagay, naiintindihan ko siya. Mahirap magmaneho. Nakakagutom talaga yun.
" Anyway... naisip ko lang? Paano kung bumalik tayo sa manila tapos sinalubong ka ng ex mo at sinabi niyang mahal ka niya ulit at kayo nalang sana ulit? Ano gagawin mo?" Tanong niya sakin kaya napatingin ako sakanya.
" Sampalin ko pa siya e. Pagkatapos ng mga ginawa niya sakin? Duh. Magsama silang dalawa."
" Paano kung sabihin niyang... Mahal na mahal na mahal ka daw talaga niya at nagkamali siya sa naging desisyon niya?"
" Ganun pa din. Di na lalambot ulit ang puso ko sakanya. "
" Kasi?"
" May iba na kong mahal."
" Sino?" Tanong niya kaya napatingin ako sakanya. Nakangiti siya kaya binato ko siya ng kanin sa mukha niya. Hindi naman lahat ng kanin. Piraso lang.
" Sino nga, Mommy?" Tanong niya pa." He! Tumigil ka." Sabi ko saka nagpatuloy sa pagkain. Di na siya nagsalita. Pero narinig ko siyang ngumingisi-ngisi.
Habang nasa ganoong pwesto kami ay may naalala ako kaya nagtanong ako sakanya.
" Bakit nga pala gusto mong gamitin kita para makalimot?" Natigilan siya at napatingin sakin.
" Hindi mo kasi deserve masaktan. " maikling sabi niya nang walang tinginan.
" At sa tingin mo deserve mong magamit, ganoon?"
" Oo. "
" Bakit? Ginamit mo lang ba yung ex mo kaya gusto mong gamitin ka rin para makaganti siya sayo?" Tanong ko sakanya kaya napatingin siya sakin.
" Nope. Di ba iniwan nga ako't pinagpalit sa iba."
" E bakit nga? "
" Nasagot ko na dati yan di ba?" Medyo inis na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...