PART 16

130 7 0
                                    

ASH POV

Pinapasok kami ni Aling Grace sa loob ng bahay niya. Ayos lang naman ang tahanan nila. Ayos lang para sakanilang dalawa.

Kanina ko pa tinitingnan yung kapatid ko at kanina pa siya nakatingin sakin. Gusto ko siyang kausapin pero, di ko alam kung paano ko sisimulan.

Nahihiya ako. Baka sabihin niya feeling close ako, hindi naman kami magkakilala.

Lalo tuloy akong kinabahan. Buti nalang at kasama ko itong si Sandy.
Medyo nawawala wala yung kaba ko.

Siguradong hindi ko alam ang gagawin ko kung ako lang mag-isa dito.
Alam kong makakaya ko, pero kung wala ang presensya niya? Alam ko rin na magkakaroon ng kulang.

" Pasensya na kayo medyo magulo ang bahay namin." Si Aling Grace habang aligagang inaayos yung mga kalat niya.
Halata sa mukha niya ang pagkabigla at pagkataranta.

" Naku, hindi po mahalaga yun samin. Ayos lang po." Sagot naman ni Sandy sakanya saka niya ito tinulungan doon sa nalaglag na unan.

" Salamat, Iha." Sabi nito kay Sandy.
" Teka... mag'meryenda kayo? Ano ba gusto niyo? Softdrinks? Juice?"

" Wag na po kayong mag-abala. Busog pa po kami, may nadaanan po kaming karinderya kanina at doon na po kami kumain."

" Pasensya na talaga kayo ha. Kung alam ko lang na darating kayo, sana nakautang na ko sa tindahan para may maipakain man lang ako sainyo. Ang hirap kasi ng walang pera." Dismayado sa sariling sabi niya.

" Naku, wag niyo pong isipin yun. Nga po pala, Marami po akong dalang groceries saka prutas nasa kotse. Para po iyon sainyong dalawa ng kapatid ko. "

Oo. Namili ako kanina doon sa kanto ng prutas. Tapos, kaninang umaga doon sa supermarket malapit sa Hotel na tinuluyan namin ni Sandy.

" Bakit nag-abala pa kayo? Nakakahiya naman."

" Ayos lang ho yun, Aling Grace. Para naman po iyon sa kapatid ko." Sagot ko naman habang nakangiti.

" Nanay. Maliligo na po ako ha." Singit nung kapatid ko habang hinihila hila niya yung duster ni Aling Grace.

" O sige, Anak. Tawagin mo nalang ang Nanay kapag tapos ka na ha. Maligamgam na yung tubig mo doon." Baling nito sa anak saka ito hinatid sa banyo.

" Sino sila?" Rinig ko pang tanong nung kapatid ko pero di ko na narinig yung sinabi ni Aling Grace dito.

Napatingin ako kay Sandy. Ngumiti lang siya sakin tapos ay hinawakan niya ko sa balikat ko kaya ngumiti lang ako pabalik sakanya.

Hinawakan niya yung kamay ko kaya hinigpitan ko yung kapit doon.

Kanina pa ko nanlalamig. Pinagpapawisan ako ng malapot dahil na rin siguro sa kaba. Iba yung pakiramdam ko ngayon.

" Nasaan na nga pala tayo ulit?" Nakangiting tanong niya nang bumalik siya, saka umupo sa lumang sofa sa harap namin.
" Ahh.. Oo. Alam mo, nakikita ko sayo si Jeremy. Kaugaling kaugali mo siya. " nakangiting dagdag niya. Ngumiti lang ako sakanya tapos ay napayuko ako.

Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko kaya minabuti kong umpisahan nang sabihin kung ano talaga yung pinunta namin dito.

" Matagal na pong wala si Daddy." Pagsisimula ko kaya napatingin siya sakin.
" Magda'dalawang taon na po sa katapusan ng Nobyembre."

" Anong kinamatay niya pala?" Mahinahong tanong niya pero kita ko doon ang lungkot.

" Car Accident po." Malungkot na sagot ko.
" Kasama niya po kami nung isa ko pang kapatid sa insidente, pero mas napuruhan po siya kaya hindi na po siya naka'survive." Dagdag na kwento ko pa.

Alphabet Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon