ASH POV
Dinala ko yung mga cupcakes sa bahay ni Sandy. Nagkataon namang tulog pa siya at naabutan kong gising ay si Krisha, mukhang magja'jogging ata, kasi yung outfit niya parang mage'exercise ba. Parang 90's o 80's.
Gulat nga siya kasi ang dami ko naman daw dalang box. Tapos sinabi ko sakanya yung laman nun and binigyan niya ko ng idea kung paano ko pa mapapaganda yung surprise ko sa mahal ko.
So, Binuksan namin ng dahan dahan yung pinto ng kwarto ni Sandy, buti nalang at pagtulog pala siya ay naka blindfold pa yung mata niya, bagay na hindi niya ginagawa noong nasa Cebu kami.
Nangiti pa nga ako kasi kayakap niya si Gabbi. Sana balang araw ako naman ang kayakap mo. Yung pagdilat at pagpikit ng mata mo, ako yung makakatabi mo kasama ng anak natin. Hehe.
Nangangarap lang po. Hindi naman po siguro masama yun? Saka... wala naman pong ka'berde berdeng isip doon diba?
Kaya ayooon...
ang ginawa namin ay naglagay kami ng cupcake sa sidetable niya. Letter A yung nilagay ko dun. Tapos letter B to letter J pwera yung letter I and E ay nilagay namin sa lapag.Ang sabi pa nga ni Krisha sakin maglagay kami ng tray doon para may paglalagyan si Bakla.
Yun ang sabi niya, kaya napatingin pa ko sakanya. Di ko nalang pinansin dahil baka ganun talaga ang tawagan nila.Then the rest, iniwan nalang namin sa lamesa at kinorte naming puso.
Tapos yung mga letters na I, L, O, V, E, at U ay iniwan ko sa kahon kung saan yun yung hawak hawak ko dapat pag nakita na niya lahat ng cupcakes.
" Para magising siya. Tawagan mo. Iiwan ko 'tong Cellphone ko dito para makapag take ng video. Magtatago ako dito sa banyo. Okay?" sabi niya tapo kinikilig kilig pa saka ako hinampas.
Para namang bulateng di matae si Krisha. Mas excited pa sakin e.
Yun naman ang ginawa ko tapos lumabas ako ng bahay nila. Dito lang ako sa likod ng pinto habang hawak ang kahon at tinatawagan si Sandy.
Pangatlong ring palang ng Cellphone niya ay sinagot na niya yung tawag ko.
" Hello, Ash? " bungad niya
" Good Morning, Mommy ko! Gising ka na. "
" Oo e. Kaso, Antok pa ko e." Halata sa boses niya ang pagkaantok niya pa.
Kaya ang ginawa ko ay kinantahan ko siya para mapilitan siyang gumising
" The Morning start to shine with teardrops in my eyes.
And here i am alone starting to realize
That my days would brighter, if i can learn to hide
Feelings that i have for you, keep hurtin' me inside." Pangunguna ko sa kanta tapos ay nakangiti lang ako the whole time." Then my days begin with simple thoughts of you-- teka? Bakit may cupcake dito?" Doon na tumalon yung puso ko.
Bigla akong kinabahan and at the same time, napangiti.Nakita na niya. Hahaha.
" Anong cupcakes?" Kunwari'y tanong ko pa.
" E nandito nagkalat sa kwarto ko. Wala namang ganito nung natulog ako e! Buti di nilanggam." Rinig ko ang pagka'panic sa boses niya kaya medyo natatawa tawa ako.
" E sino ba naglagay niyan?"
" Malay ko. May mga letters pa nga ng Alphabet sa Ibabaw ung cupcakes e. Pero walang E at I. Tapos hanggang J lang. " takang sabi niya.
" Wait lang at ililigpit ko. Di ata sanay mag'alphabet ito at kulang kulang." Sabi pa niya at doon ko narinig ang kalampag ng tray. Siguro'y inaayos n niya.
BINABASA MO ANG
Alphabet Of Love (COMPLETED)
RomanceSandy meet Ash. Ash meet Sandy. Pagtatagpuin silang dalawa ng panahon at ng pagkakataon. Parehas Broken Hearted at parehas gustong makalimot. Mag'work kaya ang isang sikat na application para mapatunayan nilang may Forever? . . Dalawamput anim na le...