PART 22

109 4 0
                                    

SANDY POV

Mula nang makauwi kami galing Cebu ay naging araw araw na ang pagdalaw sakin ni Ash sa bahay. Hindi ko naman siya pinipigilan kasi, gusto ko rin naman yung ginagawa niya.

Lalo ko tuloy siyang minamahal. Kasi, pinapatunayan niya yung pangako niya sakin na liligawan niya ko ng pormal.

Ewan ko ba. Kinikilig talaga ko.
Kakaibang kakaiba siya sa Ex ko. Sakanya ko lang naramdaman ang maging isang espesyal na tao.
Sana'y nakilala ko na siya noon pa para hindi na ko nasaktan pa.
Pero, kahit papaano ay thankful ako dahil nakilala ko siya at naging parte siya ng buhay ko.

Salamat sa Tinder. Salamat din sa mga kaibigan kong naging dahilan kung bakit ko siya nakilala, kasi kung di nila ko pinush sa Tinder, for sure di magtatagpo ang landas namin. At syempre salamat din sa mga letrang nagbigay ng kahulugan ng pagmamahal ko sakanya kahit hindi ko yun natapos at least, naging part kayo ng journey ko. Hihi.

Madalas kaming lumabas ni Ash. Madalas ay kumakain kami at namamasyal kung saan saan.
Basta, kapag kasama ko siya nararamdaman ko yung saya. Naghihintay nalang ako ng muling pagtatanong niya sakin kung pwede na niya kong maging girlfriend ng official na talaga, dahil OO na agad ang isasagot ko! wala nang paligoy ligoy, pag-aalinlangan at pag-uulit pa.

Naaawa nga ako sakanya kasi pagkatapos ng rehearsal niya ay dito siya tumutuloy samin. Walang palya ang pagdalaw niya sakin. Kaya, sabi ko sakanya mamahinga naman siya kahit papaano. Pero ayaw niyang papigil kaya, inaalagaan ko nalang din siya.

Nag'plano pa kaming dalawa na babalik ng Cebu pagkatapos ng play niya, para magbakasyon at para bisitahin ulit ang lagay ng kapatid niya.
Pero, by that time daw, gusto niya hindi lang kaming dalawa ang babalik doon. Gusto daw niya kasama ang mga kaibigan ko, kaibigan niya at ang Mommy niya kahit daw parang malabo.

Nung kinuwento ko nga yun sa mga kaibigan ko ay unang unang umakla si Krisha e. Gusto daw niyang makapunta ng Cebu.
Nagtampo nga siya dahil nalaman niyang magkakasama kami doon nila Noemi. Basta, madami siyang say pero di ko na ikekwento kasi masyadong mahaba yun.

Meron lang akong bagay na napansin mula ng umuwi ako dito sa Manila, Iyon ay ang hindi masyadong pagpansin sakin ni Limuel.
Ewan ko ba, mula ng kinuwento ko sakanila ang tungkol samin ni Ash ay nagbago siya ng pakikitungo sakin.
Kung dati'y madalas siya dito sa bahay, ngayon ay hindi na. Tapos cold pa siyang makipag usap sakin.

Ayaw ko namang bigyan ng meaning yun dahil baka mali lang yung iniisip ko. Siguro'y may problema lang siyang mabigat.
Kaya, wag ko nalang din intindihin.

Mag-isa lang ako ngayon sa bahay. Wala sila kasi may pasok sila sa trabaho. Na'miss ko tuloy magturo. Pero... hayaan ko na! Almost one month nalang naman matatapos na yung suspension ko at makakabalik na rin ako sa pagtuturo.

Ngayon ay nandito ko sa sala. Nanunuod ako ng Movie habang kumakain ng fries.
Dala 'to ni Ash kagabi, kasi katawagan ko siya... tapos nabanggit kong gusto ko ng fries then nung pumunta siya dito after ng rehearsal niya, may dala na siyang tatlong kilong french fries saka dalawang icecream, kaya ayon. Takaw na takaw kami kagabi.

Di naman namin naubos yun dahil may natira, kaya nilagay nalang namin sa ref at ito nga iyong kinakain ko ngayon, nagluto ako. Hihi.

Boyfriend material talaga si Ash. Kaya... mahal na mahal ko siya e.
Buti nalang at binuksan ko yung mata ko para makita ko yung pagmamahal niya sakin.

Nasa ganoong pag-iisip lang ako ng tumunog yung phone ko.
Si Ash. Tumatawag.
Napangiti pa ko bago ko yun sagutin.

" Hello?" Sagot ko naman saka ko hininaan yung pinapanuod ko.

Alphabet Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon