PART 27

104 2 0
                                    

SANDY POV

Mag-isa lang akong nagtungo sa bahay ni Limuel. Hindi ako sinamahan nung dalawa dahil may klase pa daw sila.

Ayaw naman akong samahan ni Ash dahil may rehearsal siya, at tama rin siya... kapag kasama ko siya, baka hindi lang kami makapag-usap ng maayos ni Limuel. Baka mainis lang sakanya ito ay sila pa ang magkainitan.

Naaawa ako sakanya. Sobra. Di ko alam kung paano ako makikipag-usap sakanya.
Hindi pa man din, ay naiiyak na ko.

Naging mabait at mabuting kaibigan kasi siya sakin kaya hindi ko mapigilan ang maging emosyonal kahit papaano, even hindi pa naman siya nawawala sa mundo pero ganito na ko kung umasta, ay dahil dangerous ang sakit niya. Sobra.

At bilang kaibigan niya. Ayaw kong mangyari ang ganitong bagay sakanya.

Pinapasok ako ng Mama niya sa loob ng bahay nila. Nagpapahinga daw si Limuel sa kwarto nito kaya sinamahan niya ko papunta doon dahil nahihirapan na nga daw tumayo si Limuel paminsan minsan.

Nang makapasok ako sa kwarto niya ay halata ang gulat sakanya ng makita niya ko. Nakahiga siya sa kama niya at may swero. May benda din ang ulo niya. Sa tabi ng kama niya ay may wheelchair.
Ang laki ng pinayat niya at nangalumata talaga siya. Di ko na napigilan ang mga mata kong magbitiw ng mumunting luha.

" Ma, Ano to? " tanong ni Limuel sakanya pero di siya sinagot nito sa halip sakin bumaling ang Mama niya.

" Iwan ko muna kayo, Iha." Paalam ni Tita at tumango naman ako. Kasabay nun ang pagsarado niya ng pinto.

" Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" Blanko ang emosyong sabi niya habang nakatingin sa labas ng kanyang bintana.

" May dala kong prutas para sayo. Dumalaw ako sayo dito kasi nalaman ko yung tungkol sayo kaya pinuntahan kita agad." Paliwanag ko sakanya habang nakatayo sa di kalayuan sakanya.

Di ako makalapit kasi, natatakot ako. Natatakot akong itulak niya o kaya palayasin.

" Hindi ko na tatanungin kung paano mo nalaman. I'm pretty sure Ash told you about this, right?" Nananatili ang boses niya sa pagka blanko pero bumaling siya sakin ng tingin kaya ngumiti ako.

" No. Aksidente kong nakita yung papel sa kotse niya tungkol sa sakit mo. Nung tinanong ko si Ash doon namin napagtibay na may sakit ka." 

" Lumalaban ako. Pero di na kaya ng katawan ko. Nakakalakad naman ako minsan, pero tulad ngayon bigla nalang akong nahirapan. " kwento niya pa.

" Bakit hindi mo sinabi?" Medyo utal pang sabi ko. Nandoon kasi ang kaba ko.

" Wala namang mangyayari e. Ganun pa rin ang magiging takbo ng buhay ko. Mamamatay din naman ako. "

" Wag kang magsalita ng ganyan, Limuel. Gagaling ka. Sa states. Maraming magagaling na docto--"

" Ayaw ko sa ospital. Ayaw kong umalis. " dun ko narinig ang pagsinghap niya kaya sa pakuwari ko'y umiiyak siya.
" Ayaw kong umalis kasi... ayaw kitang iwan."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bakit ganun? Bakit ako pa rin?
Bakit ako pa rin ang dahilan niya.

Sa tingin ko tuloy ako ang magiging dahilan kung bakit lalala ang sakit niya.
Limuel naman e. Bakit kasi ako pa?

" Limuel, buhay mo yung nakataya dito. Ayaw mo na bang gumaling?" Saka ako lumapit sakanya at hinawakan ang kamay niya.
" Lahat kami gusto ka pang makasama. Lahat kami nagdadasal na gumaling ka. Wag mo namang pabayaan yung sarili mo. Kailangan maging matatag ka." Pagpapalakas ko pa ng loob niya.

Alphabet Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon